"You are heartless," bulong ni Honey nang makalapit siya sa'kin habang akay-akay ang nagtutulog-tulugang Yuri. Kita ko, ngumisi pa siya!
Naging blanko ang ekspresyon ng mukha ko at nilagpasan sila. Sa opisina ng Dean ang pasok ko nito, tss. Dinala sa clinic si Yuri, gusto ko mang pumunta dahil namamaga na ata ang pagpadyak niya sa binti ko ay hindi ko magawa. Tangina, naka-uniporme kami ng pang-P.E. kaya di halata iyong akin.
'Bakit siya ang dinaluhan?! Napaka-tanga niya talaga!'
Pinagsabihan lang ako ng Dean na lumabas naman sa kabilang tainga, ngayon ay papauwi na ako habang nasa harapan ko ang Honey na kasama ang dalawang bagong kaibigan. Iyong isa ay ang nerd ng klase, Reya ata ang pangalan.
Nasa tainga ko ang headset pero walang music, kunwari lang pero ang totoo'y nakikinig ako sa usapan nila- kung gaano kawawa si Yuri.
'That bastard! Argh, he'll pay for everything!'
I don't either know why I'm feeling this way, kinakabahan ako dahil nakakaramdam ako ng selos. Hindi dapat! Kaibigan lang siya, correction pa ay dating kaibigan lang siya kaya dapat wala na akong pakialaman sa kung ano mang kagagahan ang gawin niya sa buhay.
Nilagpasan ko sila nang mapansin nilang tila nakasunod ako, dere-deretso lang ang lakad ko kahit na tinawag ako ni Honey, plinay ko ang music at nilakasan ang volume.
"I said stop!"
Dahan-dahang kong tinanggal ang pagkakasalpak ng headset sa tainga ko, pinatay ko ang music at tinago sa bulsa ang cellphone. Pinilig ko ang ulo at tiningnan siya ng blangko.Pulang-pula ang mukha niya sa inis. Walang emosyon ko lang siyang tinitigan. Walang lumabas na salita sa bibig niya at tila gulat na gulat pa.Inirapan ko lang siya at muling nilagay ang headset sa tainga saka siya iniwan.
Hindi ko alam kung nababaliw na ba siya, hindi na ata gumagana ang utak niya!
'Wala siyang alam,' saad ng kung sino man sa utak ko.
Unti-unting lumilinaw sa'kin, tama nga. Bakit hindi ko iyon naisip, na baka wala siyang alam! All these time ako ang tanga!
Naligo ako at nagsuot lang ng maikling short saka sando. Nilagyan ko na ng ointment iyong tadyak sa binti kong namamaga na.
Masakit dahil may tusok-tusok iyong branded na sapatos ng Yuri na iyon, wala akong maisip na nickname sa kanya dahil napakapangit din naman ng pangalan niya na gaya niya ay iyon na lang ang tawag ko. Masakit din iyong suntok niya sa tiyan ko, may gasgas pa ako sa pisngi na ngayon ko lang nakita. Sana sinama ko nalang talaga iyong bag ko para madali ang pagkamatay ng bastardong iyon!
"Oh Haniel, halika iha!" Mabilis akong nagkumot at kunwaring tulog, alam ko kung ano na naman ang pinunta niya rito.
Kumatok siya ng tatlong beses, buti na lang at malakas ang bunganga ni Mamsh at alam ko na agad. Bumukas ang pintuan at ilang segundo pa'y naramdaman ko ang pagbaba ng gilid na parte ng kama. Sinubukan kong huwag gumalaw, I maintain my normal breathe and act like I'm really are sleeping.
"You are not asleep." Napa-irap na lang ako kahit na nakapikit ang mga mata.
"I don't want to see your face," sagot ko at siniksik ang ulo sa unan. "Go home."
BINABASA MO ANG
Once Upon A Promise ✔️ (GxG)
Ficción GeneralCARA MORTE #1 Si Alex ay isang basagulera, palaban siya. Kabaliktaran naman niya si Honey. Dati silang magkaibigan, ngunit pagkatapos iwan ni Honey si Alex ay nagbago ang dalaga. Pagbabago na hindi na maaari pang baguhin ng kung sino man dahil si Al...