III- You are next...H!

329 9 0
                                    

Gio at the MEDIA>>>>

Sanity's POV

" Ahh! " napabalikwas ako sa kinahihigaan ko, gaya ng dalawang araw na nagdaan ay iiyak ako. Dalawang araw, dalawang araw ko ng napapanaginipan ang litratong natanggap ko o namen kung kanino man.

Hindi ko alam pero, takot na takot ako kahit alam ko na kung anong ikinamatay ni Jeka. Nagpakamatay daw ito, at ayon rin sa mga pulis kung bakit may nakasulat sa tiyan ni Jeka ng kung anong salita, ay ngkaroon daw ito ng komplikasiyon sa pag-iisip at naikwento rin samen ng Nanay ni Jeka na mayroon silang lahi na may kulang sa pag-iisip.

Pero napakabrutal naman ng ginawa niya sa kanyang sarili, atsaka sino kaya ang nag send ng pictures samen na magkakaibigan? Bakit sa kung anong oras namatay si Jeka ay ganun rin ang oras na may nagsend samen nito?.

Paano kaya iyon nangyare? May nakasaksi kaya agad sa kung Anong ginawa ni Jeka sa sarili niya? Pero sino naman kaya ito?

" Baby, are you okay? " tanong ni Renzo na kakapasok lang sa kwarto ko. Umupo ito sa tabi ko at niyakap ako, niyakap ko rin naman ito pabalik at doon muling ibinuhos ang luha ko.

" Babe, natatakot ako... " tangi ko nalang na sabi. Tinanong naman ako nito kung bakit at kung kanino, pero hindi ko siya na sagot. Dahil kahit ako, hindi ko alam kung bakit at kung kanino ako natatakot.

*

Naglalakad kaming lahat ngayon ng mga kaibigan ko sa may corridor ng may na pansin kaming kumpulan.

" Anong meron? " pagtatanong ni Hope,

" A trouble? " pag sagot naman ni Tulip, na para bang tuwang tuwa pa na may gulo " Let's tara gramps, " atsaka nito hinigit ang braso ni Heron patungo doon na wala namang nagawa kundi magpahigit nalang.

Sweet ng dalawang yan minsan, pero hindi nila pansin kasi iyon, hindi ko alam kung sino ang bulag sa kanila eh. Baka si Tulip? All we knows kasi na, may gusto siya kay Renzo, my babes!

Minsan na nga akong napuno diyan kay Tulip eh, dahil sumusobra na siya sa kakadikit kay Renzo tapos kung anu-ano pa sinasabi niya sa iba na 'Sila na daw ni Renzo' tapos kung makatawag pa siyang Papa Renzo, kay Renzo akala mo kung sino. Arghh! Kung hindi ko nga lang kaibigan si Tulip, baka matagal ko na siyang inilibing ng buhay eh.

" Tara, tignan din natin! " sigaw ni Hope na ikinasang-ayon naman namin, kaya naglakad na kaming muli palapit doon.

" Hindi ka nababagay dito, kaya kung ako sa'yo umalis ka na dito! "

" Yeah right! Isa ka lang sampid dito, nerd, commoner, waste, and useful! Kaya go away! Get lost nerd! "

Nang makarating kaming lahat doon ay parang kumulo ang dugo ko dahil sa nakikita ko.

" Itigil niyo yan! " sigaw ni Ross na ikinatigil naman agad nung tatlong babae na sinasampal, sinasabunutan ang kawawang babae na ngayon ay nakaupo na sa sahig, gulo-gulo ang buhok at punit-punit ang damit.

Mabilis namang tumakbo si Gio at Hope sa kawawang babae at tinulungan itong makatayo! Kami namang mga babae ay seryosong tumingin sa tatlo.

" Ano sa tingin niyo ang ginagawa ninyo? " seryosong tanong ni Hera na ngayon ay nakapamulsa habang bagot na nakatingin sa tatlo.

Para naman silang nahintakutan, kung sa bagay sino nga ba namang hindi mata takot sa isang Hera Contreras na kilala bilang isang numero unong black belter sa taekwando class?. Haha. Insert sarcastic here.

" Ano ang karapatan ninyong mangbully? " isali mo pa itong si Tam na isang archer at may nakakatakot na mukha, lalo na kapag sinamaan ka nito ng tingin. Dahil sa oras na sinamaan ka niya ng tingin, ay parang Naka punta ka na sa impyerno.

The Bullies Karma •FIN•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon