Chapter XXIX - Epilogue

278 7 5
                                    

Epilogue

5 years later...

Hope's POV

" Waaaaaa! Momma, I wanna go home! "

" Iyakin! Heto sa'yo! "

Mabilis kong napigilan ang kamay ng isang bata ng makita ko itong babatuhin nito ang kaklase niyang babae na ngayon ay umiiyak na. Pag-angat niya ng tingin saken, ay namilog ang kanyang mga mata.

" Vince, hindi ba sabi ko sa'yo huwag kang mangbubully ng mga kaklase mo? " mahinahon na ika ko atsaka ko kinuha ang bola ng baseball sa kanya.

" Hindi na sana po Mam eh, pero po kasi si Joyce iyak ng iyak, nakakarindi na po kaya! " ika nito na mukhang naiinis na talaga sa kaklase nito.

Nilingunan ko naman si Joyce na humihikbing nakatingin saken. Hindi ko siya masisisi, kasi ito palang ang ikalawang lingo ng pasok nila. Ibinalik ko ang tingin ko kay Vince.

Magsasalita na sana ako, pero naunahan na ako ng taong bigla nalang sumulpot sa likod ko at inakbayan ako " Hi Vince, kung ako sa'yo gayahin mo nalang ako kesa sa mang bully ka ng mga kaklase mo " siniko ko siya sa sikmura.

Anong akala niya sa estudyante ko? Teenager? Tss! Lalaking talagang ito!

Nakita kong nagtakha si Vince sa sinabi ni Gio habang nakanganga pa ito " Ahh, don't mind him Vince, payo nalang ni Mam huwag ka ng mang-bubully sa mga kaklase mo ha? Kung ayaw mong dumoble ang balik nito sa'yo sa future mo "

" Pero kasi Mam-- "

" Don't worry, ako na ang bahala kay Joyce okay? " tumatango naman itong umalis. Bumuntong hininga naman ako, sana naman sumunod na siya.

Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaking nasa tabi ko, napaurong siya sa kinatatayuan niya ng makita ako " He he, " inirapan ko siya.

" Ikaw Gio, kung wala kang maiturong maganda sa mga bata, pwede mag resign ka na? " atsaka ko kinarga si Joyce na umiiyak na naman " Tahan na Joyce, don't worry, your mother will be here later to fetch you " I said to her habang pinapatahan ko siya sa pag-iyak.

Tumango naman ito at sumunod saken, yumakap sa leeg ko at inilig nito sa balikat ko ang ulo nito. Naalala ko tuloy sa kanya si Tulip noong mga nasa ganitong edad pa lamang kami.

" Kung magreresign ako dito Love, mawawalan ng gwapong teacher dito sa Shanders " ika nito na ikinaikot ng mga mata ko paitaas. Hayy nako!

Bakit nga ba ako pumatol sa lalaking ito na mas mahangin pa sa electric fan sa classroom ko?, hay pag-ibig nga naman. But... I love him so much huwag kayo! Haha. I just really don't know the reason, why him?.

" Sino daw gwapo Joyce? " pagtatanong ko sa bata habang nakangiti ng nakakaloko. Alam ko na sagot ng batang ito, iisa lang naman gwapo dito na teacher eh.

" Si Sir Heron po, " sagot ng bata na agad na ikinareak ni Gio kaya natawa ako. See? Haha. Dito sa Shanders Academy, may anim na teacher na lalaki, pero ang pinaka gusto lahat ng mga batang ito na pinaka gwapo para sa kanila ay si Heron Contreras. Pumapangalawansi Ross, at pangatlo naman itong syoto ko na mahangin.

" What? Mas gwapo pa kaya ako don! Sampong paligo kaya lamang ko doon noh! Di ba Love? " pangungumbinsi pa nito saken.

Nakataas na kilay na nilingon ko siya at umiling kaya ngumuso siya " Tanggapin mo nalang kasi na. pangatlo ka lang talaga " mas lalo naman siyang napanguso kaya piningot ko iyon na ikinaaray niya.

" Ang sagwa Gio, hahaha " natatawa kong ika sa kanya. Gio lang tawag ko sa kanya kahit kami na, masiyado kasing common. Atsaka kasalanan naman niya kung bakit wala akong tawag sa kanya, ayaw niyang nag-isip ng unique na endearment eh, kaya mag tiyaga siya na Gio tawag ko sa kanya.

The Bullies Karma •FIN•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon