Suzy's POV
Hindi ko alam ang nararamdaman kong saya nang malaman ko kay Heron na hindi pa patay ang mga magulang nito. Iisa lamang kasi ang ibig sabihin nun, wala akong kasalanan sa pagkamatay ng mga magulang nila noon. Kaya kahit mamatay ako ngayon, alam kong hindi sa lupa ang bagsak ko.
Matapos akong iwanan nung tatlo, ay pinilit kong makatayo, kahit napakahirap dahil sa sugat na nakuha ko na gawa ni Ayesha. That bitch! Magbabayad siya sa ginawa niya saken!
" Ahh! " tili ko ng makarinig ako ng putok ng baril. Namilog naman agad ang mga mata ko ng maalala ko ang mga kaibigan ko " Ahh! " daing ko ng matumba ako " Kailangan mong makatayo Suzy! Kayanin ko dahil kailangan ka ng mga kaibigan mo! " pagtutulak ko sa sarili ko.
Muli kong ginawa ang pagtayo, at maraming beses yata akong nakahingi ng salamat sa itaas dahil nakayanan kong makatayo. Pinulot ko ang malaking gunting na ginamit ni Heron kanina para makawala ako.
Kakailanganin ko ng ganito, upang maipagtanggol ko ang sarili ko kung sakali mang makasalubong ko si Ayesha at ang kasama nito.
Nang makalabas na ako ng silid ay nagsimula na akong maglakad ng paika-ika habang nakahawak sa dingding na siyang nagsisilbing lakas ko upang makatayo.
" Tulong! Tulungan niyo ako! " napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
" R-ross... " mahinang pagtawag ko sa kanyang pangalan at iginala ko ang paningin ko sa paligid, ngunit wala akong nakita. Muling humingi ng tulong si Ross, kaya ang pagsunod sa boses nito ang ginawa ko upang makita ko siya.
Huminto ako sa tapat ng room 6 dahil doon ko naririnig ang boses ni Ross. Dahan-dahan ko iyong binuksan " R-ross, " pagtawag ko ng mahina dahil baka may makarinig saken na kung sino.
" Suzy! " namilog ang mga mata ko ng makita ko kung ano ang kalagayan ni Ross.
Jusko! Anong klaseng tao si Ayesha?
" Suzy! Anong nangyare sa'yo? " tanong nito habang paika-ika akong mapalapit sa kanya. Umiling ako at hindi ko siya sinagot. Sino nga ba namang tanga na hindi magtatanong kung anong nangyare saken, kapag nakita nilang naligo ako ng sarili kong dugo?
Kahit masakit, ay pinilit ko paring itaas ang dalawa kong kamay hawak ang malaking gunting upang putulin ang lubid na naka tali sa magkabilang kamay ni Ross.
Naputol ko na ang isang lubid, kaya sa kanila na naman sana ako papunta upang alisin pa ang isa ngunit pinigilan niya na ako atsaka nito kinuha ang gunting s kamay ko at siya na ang nagputol sa lubid na nakatali sa kaliwang kamay nito at sinunod nito ang tali sa kanyang leeg.
Pagkababa nito ay inilalayan niya ako agad, pero mali pala ako, dahil saken pala siya dumantay kasi bali daw ang kanang binti nito. Saan kaya naging tanga ang lalaking ito? Psh! Ang laki niyang tanga promise!
" Anong nangyare sa'yo? Hindi ba masakit ang mga sugat mo? " tanong saken nito na maypag-aalala. Nginitian ko lamang siya at muli... Hindi ko siya sinagot. Ayokong mag open up, dahil ayokong kinakawawaan ako. Kaya nga hindi ako sumama dun sa tatlo eh.
" Magsalita ka nga! Pinutulan ka ba ng dila ha? " binatukan ko siya
" Bakit? Matatawag ba kita kung putol dila ko? "
" E yun naman pala eh, e bakit hindi mo kasi ako sinasagot? " umiling na lamang ako sa kanya. Muli sana siyang magsasalita ngunit nahinto ng makarinig na naman kami ng isang putok.
Nagkatinginan kaming dalawa " They need us, let's go " pag-aaya ko sa kanya, tumango naman ito kaya't dahan-dahan kaming lumabas ng silid.
" Ahhhh! "
BINABASA MO ANG
The Bullies Karma •FIN•
Misterio / Suspenso[ COMPLETED ] Hanggang saan makakarating ang paghihiganti ng isang Bully noon? Gusto niyong malaman? Read this story :)