Third person's POV
Sa kalahating minuto na pag-iisip ni Heron para makuha ang punyal na nasa lupa, ay nakaisip na rin Ito sa wakas ng paraan, upang makuha iyon.
Hinubad nito ang kanyang suot na T-shirt at sando at ipinahgtugling iyon at iyon ang kanyang gagamitin na para bang panyungkit upang mapalapit sa kanya ang punyal.
Sinimulan na nito ang pag kuha, una ay idinuyan nito ng bahagya ang kanyang sarili, pagka tapos ay sinimulan na nitong abutin ang punyal.
Napangiti ito ng makitang umabot sa punyal ang hawak nitong damit. Inulit niya muliniyon, hanggang sa unti-unti ng lumalapit sa kanya anhg punyal.
" Konti nalang Tulip, hintayin mo ako " ika nito na halatang-halatang pagod na, lalo na't nakabapiktad pa ito " Yes! " anito ng matapat na sa kanyang uluhan ang punyal, buti na lamang at may kababaan lamang ang pagkakabitin niya sa puno, kaya nakuha nito ang punyal mula sa lupa.
Huminto muna ito sandali, upang mag-ipon ng lakas para sa kanyang huling gagawin upang makaqala sa pagkakabitin. Ang abutin ang kanyang paa na nakatali at putulin ang makapal na lubid.
Pumikit ito at nanalangin, at inalala nito ang pag-aalala sa kanyang mahal at ang galit na nararamdaman niya, para sa kanyang kambal na sa buong akala nito, ay matagal na siyang iniwan.
" Hooo! " buntong hininga nito at nagmulat ng mga mata atsaka na ito nahsimulang abutin ang kanyang mga paa.
Habang busy ang binatang si Heron sa pagpapakawala as sarili, ay ganun din si Ross na nakapatong sa isang upuan at nakatali ang leeg sa dingding, maging ang dalawa nitong kamay sa magkabilang bintana.
Na para bang sa oras na magkamali ito, na matumba ang upaun na kanyang tinutuntungan, ay katapusan na ng buhay nito. May lubid rin na nakatali sa upuan, na konektado sa lubid na nasa stage. Na sa oras na hilahin iyon ng salarin, ay magiging katapusan narin niya ito.
" Ahh! "
*blag*
" Ack! " daing ng binata ngg bumagsak ito sa lupa at makakawala na ito sa pagkakabitin niya sa puno. Umubo ito ng umubo habang hinahabol ang paghinga " H-hintayin mo ako... Tulip, " ika nito sa mahinang boses, dahil ramdam nito ang panghihina ng kanyang katawan dahil sa pagod.
*bang*
" Ahh! " tili ni Hope at ng Ina ni Hera ng bigla na lamang nagpaputok paitaas si Ayesha, dahil naiirita na ito sa dalawa na walang ginawa kundi magkomprontahan, mismo sa harapan pa niya.
" Dada kayo ng dada! Mga Bwisit! " inis na ika nito at hinarap ang mga magulang ni Hera, atsaka binaril sa binti ang Ina nito.
" Huwag! " sigaw ni Hera! " Napakawalanghiya mo talaga! Pagbabayaran mo ito! "
" Go on, wala akong pakialam! " ika nito na mas lalong ikinagalit ng dalaga sa kanya. Inirapan lamang niya ito at tinuunan ng pansin si Hope na nakayuko habang takip-takip ang dalawang tenga " Ikaw Hope? Sino gusto mong unahin ko sa mga kaibigan mo? "
Mabilis na nag-angat ng tingin ang dalaga sa salarin at mabilis ring umiling " H-huwag, please! Maawa ka! " hindi pinansin ng salarin ang pagmamakaawa sa kanya ng dalaga atsaka na lamang ito humarap sa mga lubid na nakatali sa mga bakal na nakakunektado sa mga kaibigan ng dalaga.
" Ayaw mong mamili? Pwes, ako ang pipili " nakangisi nitong sabi at hinawakan ang tali na nakakunektado sa gas na nasa uluhan ni Sanity.
" Please! huwag! " sigaw ng dalaga habang ito ay humahagulgol na ito sa iyak.
" Say goodbye, " atsaka lumingon ng nakangisi sa dalaga " to Sanity Dela Rama... "
" HUWAG! "
" Hahahaha, " tawa nito matapos nitong hugutin ang lubid na nakakonekatado kay Sanity.
BINABASA MO ANG
The Bullies Karma •FIN•
Misterio / Suspenso[ COMPLETED ] Hanggang saan makakarating ang paghihiganti ng isang Bully noon? Gusto niyong malaman? Read this story :)