Hope's POV
Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng may mangyareng hindi inaasahan sa clinic. Pero hanggang ngayon, ay wala parin silang maiturong suspek na pwedeng gumawa nito.
Dahil ayon kay Ross na kumausap na naman sa pulis, ay wala namang naging kaaway sa labas ng skul si Nurse Cha, dahil napakabait daw na tao nito at matulungin, o ni isang taong nagtatampo man lang sa kanya ay wala ring maituro ang mga nakakakilala sa kanya.
Kakatapos namang ilibing kanina ng dating kaibigan naming si Jeka. Akala ko nga susuwayin ako ng mga kaibigan ko, na magsusuot sila ng Pulang damit, pero akala lang pala iyon, dahil lahat sila ay nakaitim, ako lang ang nakaputi.
Pinag-usapan nila ano? Tapos hindi nila ako isinama, ang babait talaga ng mga kaibigan ko grabe!
" Guys! Make pagpag later ha? Baka the spirit of Jeka coming to us, my ghad! I want to mabuhay pa! "-Tulip
" Naniniwala ka dun? Tss! Kalokohan lang yun! "-Ross
" In the story nga of Renzo last two days, you all paniwala what he said, in that movie pa kaya? " pangbabara ni Tulip sa kanya " Brain, Rossy chick! Paganahin! "-Tulip
" Saan tayo ngayon? " pag-iiba na lamang ni Suzy sa pinag-uusapan " At kung wala tayong pupuntahan, uuwi na lamang ako "-Suzy
" Mall nalang tayo, " suggest ko sa kanila, ayaw ko kasing umuwi muna sa bahay dahil wala naman akong gagawin doon. At baka mailibing ko lang ng buhay ang maldita kong kapatid, na makaasta akala mo kung sinong donya kung maka utos kapag nasa bahay kami!
" Quantum tayo! Gramps, you libre me a token ha? I don't have a pera here eh, hehe "-Tulip
" Me also, kaya sa iba ka nalang magpalibre ng token! "-Heron
" Gusto mo pautangin kita Tups? "-Suzy
" No, Renzo is nandiyan naman for me eh, right Renzo? "-Tulip
Na pansin ko naman ang pag-iiba ng aura ni Sanity. Psh! My ghad! Here they go again. Sana naman makisama si Renzo, dahil siya naman ang mawawalan kapag mali ang naging desisyon niya.
" A-ahh, sorry Tulip ha? Sakto lang kasi para samen ni Sanity ang dala kong pera eh. "-Renzo
Pero dahil sa ginawa niyang iyon, may sinaktan naman siya na isa. Pero iyon kasi ang tama niyang gawin. Kahit naman siguro na kung ako ang nasa posisyon niya ay iyon ang gagawin ko.
" Ahh, okay. I'm going home nalang, tutal my brother is there naman. I will invite him nalang na mag movie marathon kami "-mahinang sabi ni Tulip habang nakayuko, nilapitan naman siya ni Suzy at inaya na niya itong umuwi. Magsasabay kasi ang dalawang iyan, dahil sa aming magkakaibigan, silang dalawa ang magkalapit ang bahay.
" Ano pang ginagawa mo diyan, Kambs? Hindi mo ba susundan ang buhay mo? "-sabi ni Hera na ikinatingin namin sa kanya.
" Corny mo Hera, "-Gio
" Make a move Pareng Heron, "-Renzo
" Bago pa mahuli ang lahat, " dugtong ni Sanity sa sinabi ni Renzo.
" Kanta yan ah? Hahaha "-Gio
" Tss! "-Heron
" Ano? Tutunganga ka na lang ba diyan? Wala kang gagawin? Makakaalis na sila? Ikaw rin kambs, sino ba ang mawawalan? "-Hera
" Supportive twin ha? "-Tam
" Psh! " tangi nalang nasabi ni Heron atsaka na tumakbo palayo
" Wuhooo! Go go go! Heron! Para sa ikararami ng bayan! "-Gio
BINABASA MO ANG
The Bullies Karma •FIN•
Misterio / Suspenso[ COMPLETED ] Hanggang saan makakarating ang paghihiganti ng isang Bully noon? Gusto niyong malaman? Read this story :)