Chapter XVII

119 4 0
                                    

Third person's POV

Sa pagkakahimbing ng pagtulog ni Tam, ay nagising ito dahil nakaramdam ito na may taong palapit sa kanya. Pagmulat ng mga mata nito, ay nakita nito ang kanyang Ama, kasama ang principal ng kaniyang pinapasukang na skwelahan.

Nagsalubong ang kanyang kilay,

" What are you doing here? " hindi ito tanong para sa kanyang kinikilalang principal, kundi para sa kanyang Ama, na galit na galit siya, dahil hindi nito nagawang iligtas ang kanyang Ina sa isang holdapan ng siya ay nasa sampong taong gulang pa lamang.

" Tss, " tangi na lamang nasabi ng kanyang Ama at nagpaalam na sa principal na lalabas muna ito para makapag-usap silang dalawa.

" How's your feeling Ija? " pagtatanong nito ng nakangiti at umupo sa isang mono block chair sa gilid ng hospital bed ng dalaga.

" Mabuti naman po, buti po at napadalaw kayo? " magalang nitong sagot ngunit wala naman sa taong kausap ang pansin nito.

" Napadaan lamang ako, may kamag-anak kasi akong Naka confine din dito " anito na masama na ang tingin sa dalaga, dahil para sa kanya ang kausapin na hindi siya tinitignan ay kabastusan iyon para sa kanya.

" Ahh, ganun po ba? " pagtatanong nito at doon pa lamang ito tumingin sa kausap " Ngayon po ba ang simula ng paglilinis ng mga kaibigan ko? " tanong muli nito. Gusto namang masuka ng dalaga, dahil sa salita nitong may paggalang sa kausap na hindi naman niya ginagalang kapag wala ito sa harapan niya, dahil naiinis siya dito.

" Oo, hinihintay ka na nga nila eh, " anito at hindi na itinago ang ngisi na kumurba sa kanyang labi.

Nakaramdam naman agad ng pagkatakot ang dalaga ng dahil doon at pilit na inuusog ang kanyang sarili sa kanan upang makalayo ng kahit paano sa taong kausap nito.

" Hinihintay ka na nila sa... impyerno, " nanlaki ang mga mata ng dalaga ng makitang naglampas ng isang panyo ang principal at mabilis na itinakip ito sa kanyang bibig. Hindi naman nito magawang humingi ng tulong ng doon, hanggang sa makaramdam na lamang siya ng pagkahilo dahil sa kanyang naamoy, at unti-unti ng bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata.

Napatawa naman ng malademonyo ang principal habang nakatingin sa walang malay na dalaga na siyang may kagagawan. Ngayon, naisagawa niya na ang unang hakbang, ngayon ay gagawin na nito ang pangalawang hakbang upang mailabas ang dalaga sa hospital na hindi nakikita ng Ama ng dalaga.

Gaya ng kanyang maiisip, ay may isang nurse na kumatok mula sa labas, mabilis nitong inilabas ang baril na nakatago sa kanyang likuran at nagtungo sa likod ng pintuan bago pinapasok sa loob ang nurse.

" Good evening Mam, " bati ng nurse sa kanya ng makita ito sa likuran ng pintuan matapos niya itong isara, nginitian niya lamang ito atsaka tinanguan " Eche-check ko lang po ang dextrose ng pasiyente, " ika pa ng nurse ba muli niyang ikinatango.

Kinuha naman niya abng pagkakataon na paluin ang nurse sa baton, matapos nitong tumalikod sa kanya upang puntahan ang pasiyente na wala namang malay.

Mabilis namang bumagsak sa sahig ang nurse na nawalan narin ng Malay, dahil sa lakas ng pagpalo nito sa kanyang ulo na ikinawalan agad nito ng malay. Ngumisi naman ang salarin habang nakatingin sa nurse, itinago na nitong muli ang hawak niyang baril atsaka hinila sa paa ang biktima patungo sa banyo ng kwartong iyon.

At doon... Hinubaran ito ng salarin upang kunin lamang nito ang suot ng nurse na uniporme upang suotin sa kanyang pagglabas kasama ang dalaga.

Matapos magbihis, ay lumabas na ito sa banyo suot ang uniporme ng nurse atsaka pinulot ang clip board na dala-dala ng nurse nang pumasok ito.

The Bullies Karma •FIN•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon