Chapter XXVI

101 4 0
                                    

Tulip's POV

Paano samen nagawa ito ni Hera at Zhea? Anong nagawa namin sa kanila, para gawin ang ginagawa nilang ito ngayon samen?. Naikwento na kasi saken lahat ni Heron ang tungkol sa kambal niya.

Nung una nabigla ako, dahil ang alam naming lahat ay wala na siya dahil sa taxi accident. Pero palabas lamang pala ang lahat ng iyon, dahil ang nakasakay na pala doon ay ibang tao na. At kaya lamang nandoon ang mga gamit ni Hera, ay sadya niya iyong iniwanan sa taxi, upang masabi na siya iyon.

Walanghiya sila! Lalo na si Hera! For Pete's sake! She's our friend! Tapos ginawa niya samen ito? Lalo na ang Kazhalea na iyon! Wala siyang utang na loob.

" We need to get out here faster! " ika ni Heron saken at hinila na ang braso ko papalabas ng gymnasium, matapos niyang ipasuot saken ang t shirt niya dahil basang basa ako.

" No! Kailangan nating iligtas ang iba! " naiiling kong ika sa kanya

" No! Wala na tayong oras para iligtas sila Tulip, kaya umalis na ta--- " hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin ng bigla ko na lamang hinila ang braso ko sa kanya na ikinahinto naming pareho sa pagtakbo.

Masamang mga mata na tinignan ko siya " Tulip... "

" Kung gusto mong makaligtas, huwag mo na akong isama. Wala kang pinagkaiba sa kambal mo, wala kayong pinagkaiba! " sigaw ko sa kanya!

" Tulip, ano ba yang sinasabi mo? "

" Gusto mong iwanan nalang naten basta-basta ang mga kaibigan naten, kahit alam mong nasa panganib sila? "

" Tulip... "

" Kung wala ka ng oras, umalis ka na! Iwanan mo na ako, dahil ililigtas ko pa ang mga kaibigan ko! " atsaka ako tumakbo palagpas sa kanya, pero bago pa man ako makalayo sa kanya ay napigilan niya na ako sa braso ko.

" I'll come to you, " lumingon ako sa kanya " I'm sorry, masiyado ko lang kasing iniisip ang kaligtasan mo, kaya gusto na kitang ialis sa lugar na ito " napangiti ako sa sinabi niya at mabilis siyang niyakap.

" Thank you, thank you for worrying about me Gramps. " atsaka ako kumawala sa pagkakayakap ko sa kanya at tinitigan siya mata sa mata " Pero umamin ka nga saken... " nakangisi kong ika habang nakataas pa ang isang kilay

" What is it? "

" Are you in love to me? " natawa naman ako sa nakita kong relasiyon niya at ng pamumula agad ng magkabila niyang tenga. Napa iling na lamang ako at muli ko siyang niyakap " I love you Gramps! "

" H-ha? " natawa akong muli at kumawala na ako sa pagkakayakap niya saken. Umiling ako at hinila ko na lamang ang braso nito.

" Nothing. Let's go find our friends, before its too late "

Nasa Room 20 kami ngayon o ang pinaka dulong room ng SWA, dahil ito ang pinakamalapit sa gymansium kung nasaan ako kanina. Napaka dilim ng paligid, pero buti na lamang at magmamadaling araw na kaya kahit paano ay may nagbibigay ng liwanag sa kapaligiran na dinaraanan namin ni Heron habang magkahawak ang mga kamay.

Tsansing si Gramps eh! He he

Napansin niyo ba pagsasalita ko? Tuwid na akong magsalita at hindi na conyo hindi ba? Paano? Hindi ko rin alam eh.

Basta nung nag-away kami ni Sanity, ay naging ganito na ang pananalita ko. O baka tama naman si Gio?  Na ganun ang nangyayare saken kapag ginagalit ako at na sasaktan. Siguro.

Sabay naming binuksan ni Heron ang dalawang silid " Ahhhhh! " at napatili na lamang ako ng makakita ako ng pugot na ulo, pero hindi ko inaasahan na makilala kung kanino ulo iyon. Mabilis na hinapit ako payakap no Heron sa kanya at doon ako humagulgol ng iyak.

The Bullies Karma •FIN•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon