Chapter XIV

117 2 0
                                    

Suzy's POV

" Pinagdududahan ka na yata ng mga kaibigan mo? " tanong ng kakapasok lamang na si Leonora sa loob ng kwarto ko. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pag-iisip ko, kung saan at kanino ko nakita ang manikang kinuha ko sa mga kaibigan ko.

" Kung ako kasi sa'yo, humingi ka na ng tulong sa mga kaibigan mo, hindi yang nilulutas mo ng mag-isa ang misteryo na hindi naman madaling lutasin, "

" Hindi ko kailangan ng tulong nila, dahil kaya kong lutasin ito kahit wala sila " ika ko at itinigil ko na ang pag-iisip ko, dahil hindi ako makapag concentrate dahil may kunmakausap saken.

Kung nga ang pagbubuhay sa sarili ko kaya ko ng wala sila, ito pa kaya? Tss!

" Really? Kaya mo? E bakit hangggang ngayon ay wala ka paring maituturong salarin at kahit isang suspek man lang? " may pagkainsultong tanong nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

" O c'mon Suzy, hindi masamang umamin na hindi mo talaga kayang mag-isa na mag-imbistiga! Lalo't hindi mo naman pangarap ang maging isang Sherlock "

" Hindi ko man pangarap na mag sherlock, pero may utak naman ako, para malaman kung sino ang gumagawa nito " irap na sabi ko sa kanya

" Pero sa ginagawa mong ito, binibigyan mo lang ng doubt ang mga kaibigan mo, dahil pinagdududahan ka na nila na may kinalaman ka sa mga nangyayare "

" I know, " walang ganang sagot ko

" Alam mo naman pala, pero bakit ipinagpapatuloy mo parin ito? "

Hindi ko siya sinagot. Alam ko naman na nag-aalala lang siya para saken, pero kasi...

May pakiramdam kasi ako na, may kinalaman talaga ako sa mga nangyayare.

Pakiramdam ko lang, pero hindi ko masabi kung bakit. Dahil bukod sa kasalanan ko kina Heron at Hera ay wala na akong ibang alam na kasalanan ko!

" Alam mo, kesa sa sinesermunan mo ako diyan, Bakit hindi mo nalang ako tulungan kung saan at kanino itong manika na ito? " atsaka ko ipinakita sa kanya ang manika na kanina ko pa kaharap, simula ng makarating ako ng bahay galing mall.

Hindi naman talaga ito ang sadya ko doon eh, dahil ang pakay ko talaga doon ay sumama sa kanilang gumala, dahil wala akong makuha sa mga iniimbistigahan ko.

Pero nung makarating ako kung nasaan sila, ay nakita ko na nagkakagulo sila ng dahil sa manika, kaya nung nagkaroon ng pagkakataon, ay lumapit ako at sapilitang kinuha dun sa malditang babae na hindi ko alam kung sino, pero pinsan yata siya ni Tulip, siguro.

" Oh, bakit na sa'yo yang manika ni Devon? " napatayo ako sa kinauupuan ko ng sabihin niya iyon.

" Sino si Devon? " pagtatanong ko sa kanya na para bang hindi na ako makapaghintay.

Mabilis ko naman siyang hinila sa kamay ng sabihin niya kung sino ito.

Pagbabayaran mo kung ano ang ginawa mo sa mga kaibigan ko! Humanda ka! Dahil gagawin ko ang ginawa mo sa kanila!

Ngayon, matitikman mo ang batas ng isang tulad ko!

Third person's POV

" Wala ba talagang konsiderasiyon yang si Mrs principal at kailangan ngayon na talaga tayo magsimula sa paglilinis sa dati nating skul, kahit alam niyang nabaril si Tam? " padabog na sabi ni Renzo matapos makausap ang principal sa kabilang linya ng kanyang cellphone.

Nasa tapat parin sila hanggang ngayon ng kwarto ng kanilang kaibigan, dahil hindi parin lumalabas mula sa loob ang isa nilang kaibigan na si Ross.

" Why ngayon? Its not maari ba bukas? Its tanghali na kaya oh? " ika ni Tulip na katabi ang wala paring imik na si Heron. Dahil iniisip nito ang pangyayare kanina at ang salarin.

The Bullies Karma •FIN•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon