Hope's POV
Naglalakad kami ngayon patungo ni Renzo sa pinaka-unahang classroom, upang hanapin si Sanity at ang iba pa. Dito kami nagsimula, dahil kung magsisimula kami sa dulo ay baka wala lang kaming makita doon, dahil iyon ang pinaka madilim na parte ng skwelahan.
Knowing Sanity and everybody, mukha man kaming matatapang, ngunit takot parin kaming lahat sa dilim. Lalo na si Gio, duwag kaya ang lalaking iyon!
" Maghiwalay na kaya tayo sa paghahanap Hope? " huminto ako sa paglalakad at hinarap si Renzo.
" No, iyan ang dapat na huwag nating gawin sa ngayon Renzo. Dahil sa oras na naghiwalay pa tayo, baka isa na naman satin ang mawala "
" Pero kung hindi natin gagawin iyon, wala tayong mahahanap! " hindi b ako maintindihan ng lalaking ito?
" Hindi pwede, " atsaka ko siya tinalikuran
" But Hope, " inis na inis ko siyang nilingunan
" Ano ba Renzo! Hindi mo ba ako maintindihan? I said no! Dahil kapahamakan ang nag-aanaty sa'ten kapag naghiwalay pa tayo! "
" I get you Hope, but this is the right way para mahanap natin sila agad! " akala ko ba maintindihan niya ako? Pero bakit gusto parin niyang ipagpatuloy ang gusto niya?
" Renzo look-- "
" Kung tama yang kutob na sinasabi mo, mas kailangan nating gawin ang sinasabi ko Hope, basta mag-iingat na lamang tayong dalawa "
" Pero Renzo kasi-- "
" Tumigil nga kayo sa kaartehan ninyo! " sabay naman kaming napalingon ni Renzo ng may bigla na lamang sumingit sa usapan naming dalawa. Nang laki ang mga mata ko nang makilala kung sino ito " Maghiwalay man kayo o hindi, iisa lamang ang bagsak ninyo!...
Sa impyerno! "
Napasinghap ako ng makitang naglabas ito ng baril, inilagay naman ako ni Renzo sa likuran nito. Huwag niyang sabihin na... Pero Bakit? Anong nagawa namin sa kanya?
" Kazhalea! Anong ginagawa mo? Ibaba mo nga ang baril na yan! Hindi biro yan! " pakikiusap ni Renzo kay Zhea, dahil nakatutok saming dalawa ni Renzo ang baril na hawak nito.
" Alam kong hindi biro ito, pero hindi naman kasi talaga ako nagbibiro eh " anito atsaka inililipat lipat ang baril sa magkabila nitong kamay.
" Ano bang ginawa namen sa'yo para gawin mo samen ito? " tanong ni Renzo. Ano nga ba? Sa pagkakaalam ko naman ay siya pa ang tinulungan namin noong binubully siya.
" Napaka bilis niyo talagang makalimot eh noh... Ezo and Cig? " napahigpit ang pagkakahawak ko sa damit ni Renzo, nang marinig ko ang tinawag saming dalawa ni Zhea, o mas magandang tawagin sa totoong pangalan nito na...
Ayesha Devon Less...
Ang kapatid ko sa Ama...
" Ayesha? " hindi makapaniwalang pagtawag ni Renzo sa kanya.
" The one and only Ezo. So, long time no see... Ex friends? " dahan-dahan akongh sumilip mula sa likuran ni Renzo. Napa luha na lamang ako bigla nang matitigan ko ang mukha nito.
Bakit hindi ko siya namukhaan? Bakit hindi ko siya agad nakilala?.
" Aye, " mahinang pagtawag ko sa palayaw niya na ikinatingin nito saken.
•flAshbAck•
Third person's POV
10 years ago...
" Mama, akala ko po ba kina Tita Beauty tayo lilipat ng bahay? " pagtatanong ng batang si Ayesha sa kanyang Ina, nang mapansin nitong sa ibang lugar patungo ang direksiyon ng dyip name kanilang nirentahan, para sa pagkakarga ng kanilang mga gamit pang bahay.
BINABASA MO ANG
The Bullies Karma •FIN•
Misteri / Thriller[ COMPLETED ] Hanggang saan makakarating ang paghihiganti ng isang Bully noon? Gusto niyong malaman? Read this story :)