XII- Sudden changed

135 4 1
                                    

Gio's POV

'You are all gonna die! Hahaha'

Mabilis na naihagis ko ang manika na hawak ko ng marinig ko kung ano ang sinabi nito.

" Ahh! " tili ng mga kababaihan ng may bigla na lamang, may lumabas na kulay pulang likido sa manika, na para bang dinudugo ito.

" B-blood, i-its d-dugo! Ahhh! " ika ni Tulip na tinuturo pa ang manika atsaka ito tumili. Tatakpan ko sana siya sa bibig dahil maingay, pero sinamaan ako ng tingin ni Heron kaya tumiklop ako't si Hope nalang ang itinalikod ko na ikinabigla niya.

" Bakit mo ako itinalikod? Hindi ako takot sa dugo! " anito na may pag kasama ito ng tingin saken. Lumunok muna ako ng laway bago ako nagsalita.

" M-masama kasi ang tingin saken ni Heron, Baka mapatay ako nun di oras eh, " sabi ko na ikinakunot ng kanyang noo.

" Ano ba ginawa mo? " pagtatanong nito

" Ang lakas kasing tumili ni Tulip eh, tatakpan ko sana ang bibig, " sabi ko, pero sana hindi ko nalang sinabi sa kanya, kasi nakatanggap ako ng sapok. Psh! Naka iwas nga ako kay Heron, hindi naman ako Naka iwas sa mga kamay nito.

" Eh baliw ka pala eh, alam mo namang malakas tama nun kay Tulip, tapos ganun gagawin mo? Nag-iisip ka ba? " napanguso ako sa sinabi niya. Bakit ba palagi nalang kawawa ang kagwapuhan ko sa mga ito? Huhu.

" Don't be so Oa diyan, pinsan! Its just a ketchup! " sabi naman ni... Ni Kaira na masungit, Psh! Ganito ba talaga kapag gwapo? Laging sinusungitan? Tss!

Lumingon naman kaming sabay ni Hope ng sabihin niya iyon, nakita namin ito na hawak-hawak ang manika na patuloy parin sa pagtulo ang kung anu mang pulang likido dito.

" Sabi na kasing mag doktor ka nalang pag nag college eh, para hindi ka na natatakot sa dugo, " sabi naman ng isa pang masungit na si Bianca. Buti nalang at may mabait sa mga pinsan ni Tulip, si Anika. Buti pa siya, naniniwala sa kagwapuhan kong taglay.

" I don't like! Even you sabihin to me, that ikakayaman me the pagdodoktor, I'm not kukunin parin that course! It's eww ya know? And I hate dugo " nandidiring sabi nito na hindi man lang nilingon ang mga kausap.

" Okay, wala na akong sinabi " pagsuko na ika nito na Naka taas pa ang dalawang kamay, pero nakita ko siyang umirap. Tupper ware ang isang 'to!

" Dude, ano nga palang sinabi ng manika? '" bigla namang nagsitaasan ang mga gwapo kong balahibo, ng tanungin ni Renzo kung anong sinabi ng manika

" Nakakatae ka? " sinamaan ko ng tingin ang katabi ko ng sabihin niya iyon " Ang taas ng mga kulot mong buhok oh? " anito na itinuro pa ang balat ko, pinanlisikan ko siya ng mga mata. Pinapalagpas ko ang panlalait na ginagawa nila sa kahwapuhan ko, pero hoy! Ibang usapan na yan kapag parte na ng katawan ko! " Ano? Tusukin ko dalawa mong mata diyan eh! " atsaka ako inirapan at iniwan! Ugh! Grabe! Pasalamat nalang talaga sila at hindi ako pumapatol sa babae.

Dahil ang tunay daw na lalaki, ay minamahal ang babae at hindi sinasaktan. Hindi ba girls? Haha.

" Hoy dude! I'm asking you! " pangunguhang muli ng atensiyon ko ni Renzo.

" Patunugin niyo nalang ulit, " ang lakas kasi ng kabang naramdaman ko lalo na ang takot ng marinig ko ang sinabi ng manika ng pindutin ko ito.

" Its not working, " pagsingit naman ni Bianca " At sino ba naman kasing tao, hayop o laruan, ang hindi masisira, kapag inihagis ka ng pagkalakas-lakas sa sahig? " Bakit ba ang sungit nila saken? Huhuhu.

" Oo nga, ano nga palang sinasabi dun sa manika, panget? " nginusuan ko si Hope ng dahil doon. Akala ko si Tulip lang ang mahilig mangbinyag ng pangalan, isa rin pala siya. Kung sa bagay, dapat hindi na ako nabibigla, kasi magkaibigan na matalik ang dalawang iyan eh.

The Bullies Karma •FIN•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon