VII- Missing Flower

197 6 2
                                    

Hope's POV

Panay ang punas ko sa pisngi ko dahil hindi humihinto ang luha ko na tumutulo sa mga mata ko, habang nakatingin sa kabaong ni Hera  na ipinapasok sa loob ng Enriquez Memorial Chapel.

Ano bang ginawa namen para mangyare saming magkakaibigan ito?. Kung ang pangbubully namen noon ang dahilan, pinagsisihan na namin iyon at maliban doon, wala na kaming nagawang masama upang mangyare pa ito samen!

" Ahhh! " sigaw ni Heron na ikinapikit ko ng mariin, kinagat ang ibabang labi at yumuko. Naaawa ako sa kanya, kasi... Kasi si Hera nalang ang tangi niyang pamilya.

Wala na kasing mga magulang sina Hera at Heron, pero ang mga yumao nilang mga magulang ay may kayamanang iniwan sa mga ito. They're 16 nung mawalan na sila ng magulang, kaya hindi na sila nag-abala pang Kumuha ng guardian dahil malalaki na sila at kaya na nila ang kanilang mga sarili.

Pero ngayon... Ngayong wala na si Hera, mag-isa na lamang ngayon sa buhay si Heron, ay mali pala! Hindi parin pala siya nag-iisa. Kasi he have us, nandito parin kami para sa kanya, upang tumayong pamilya niya. Hindi namin siya iiwan.

" Gramps, Gramps please, huminahon you! " pigil sa kanya ni Tulip, dahil nagwawala na ito. Wala namang ibang makalapit sa kanya, bukod tanging si Tulip lamang.

Ayoko namang pwersahang utusan sina Ross, Renzo at Gio sa pagpipigil kay Heron, dahil imbis na tumahimik lang ay baka lalo lang umingay at mag riot pa.

Hindi kasi nila kayang pigilan si Heron, lalo na't nanununtok si Heron. At ang mga lalaki naman ay medyo may maliliit na pasensya, kaya baka magkasakitan lang sila.

Mas mabuti nalang yung si Tulip nalang ang pumigil, dahil alam naman namin na kahit wala na sa katinuan si Heron ay hindi niya magagawang saktan si Tulip.

" Tulip siya nalang ang meron ako, siya nalang pamilya ko! Ngayong wala na siya, nag-iisa na ako! " sabi ni Heron na nagwawala, wala rin tigil ang pagtulo ng kanyang luha.

" We are nandito pa for you, Gramps! We will not gonna iwan you! We are your pamilya! Kaya hindi pa you nag-iisa! " hay nako! Kelan kaya tutuwid ang pagsasalita ng isang ito? Minsan kasi nakakakota na eh. Pero ano nga ba namang magagawa ko kung since birth yata e ganiyan na iyan kung makapagsalita.

" We mahal you, Gramps! We will never iwan you " dugtong pa ni Tulip atsaka na niyakap si Heron na yumakap rin naman at doon nag-iiyak.

Katahimikan ang namayani saming lahat, matapos ayusin ang burol ni Hera. Hindi narin nagwala pa si Heron at ngayon ay tahimik lamang siyang nakaupo sa tabi ng ataul ng kanyang kapatid at nakatitig doon. Nasa tabi naman nito si Tulip na naawa namang nakatingin sa katabi.

" Wala bang iniwan ang killer ng kahit anong katibayan para malaman natin kung sino na ang susunod sa aten? " napalingon kaming lahat kay Suzy ng magsalita siya.

" Wala ng susunod sa'ten! Suzy! Tama na yung dalawa ang kinuha niya sa'ten! " mariing giit ni Ross na nakakuyom pa ang mga kamao, hinawakan ko ang kamay niya na ikinatingin niya saken. Nginitian ko siya ng pilit upang pakalmahin siya.

" Paano mo nasabi? Paano mo na sabing wala ng susunod sa'ten kung alam naten na ang kabarkadahan natin ang pinupuntirya ng killer? "-Suzy

" Gagawa ako ng paraan, "-Ross

" Anong paraan? Ang magpaka bayani?. Ross mamamatay tao ang kalaban mo, isa ka lang studyante, kaya anong laban mo? "-Suzy

" Tama si Suzy Ross, wala kang laban. Atsaka, kung gagawa ka ng paraan, kanino mo ito gagamitin? Ni hindi nga naten kilala yun eh at Ni anino nga ng mamatay tao na yun hindi pa naten nakikita, kaya Anong silbi ng gagawin mo kung ganun? "-Renzo

The Bullies Karma •FIN•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon