Chapter Thirteen: Pangako sa'yo
Ross's POV
Bakit ganito?
Bakit kung kailan naisipan na naming lahat na magbago, atsaka pa ito mangyayare saming lahat na magkakaibigan?.
Edi sana kung alam lang namin na mapupunta lang sa ganito ang pagbabago namin, ay hindi na sana kami nagbago pa!
Nung una si Jeka, tapos si Hera, tapos naman ngayon si Tam. Tapos sino na? Sino na ang isusunod niya saming magkakaibigan?.
Ff*ck! Sino ka ba? Bakit mo ba ito ginagawa samen? Bakit mo kami iniisa-isa? Anong nagawa namin sa'yo para kitilan mo kami isa-isa ng buhay?.
Nasa tapat ako ngayon ng emergency room sa isang hospital, na may kalapitan sa mall kung saan nabaril si Tam. Buti nalang at nandoon si Manong guard, kundi baka hindi ko na naidala si Tam sa hospital at baka doon narin siya bawian ng buhay at hindi na mailigtas pa.
" Stay with us, Tam. Lumaban ka please, " bulong ko habang nagpapabalik-balik ako sa paglalakad sa harapan ng emergency room.
" Ross! " rinig kong sigaw ng mga kaibigan ko at doon lamang ako nahinto sa pagbabalik-balik sa paglalakad. Nabigla pa ako ng may biglang sumunggab ng yakap saken, pagbaba ko ng tingin, ay si Hope pala ito.
" What happen dude? " pagtatanong ni Renzo na ikinaangat ko ng tingin sa kanya. Niyakap ko nalang rin si Hope ng marinig ko siyang humihikbi.
" Ang iyakin talaga Neto, halika nga dito! " sabi naman ni Gio atsaka hinila sa akin si Hope atsaka niya ito doon pinayakap sa kanya " Hindi pa siya namatay, kaya magtira ka ng luha mo! "
" G-go!! " singhal ni Hope at aalis na sana sa pagkakayakap kay Gio, ngunit ibinalik siya ulit ni Gio.
" Diyan ka umiyak, hindi sa kung kani-kanino ka yumayakap! " anito na ikinasalubong ng kilay ko na napatingin sa kanya. Kung kani-kanino? Ano ba ako sa buhay ni Hope? Tss! Baliw!
" Hoy dude! I'm asking you! " pagkuha ni Renzo ng pansin ko na nagawa naman niya, yumuko ako at umisip kung ano ba ang nangyare.
Pero wala akong natandaan, kaya umiling ako.
" Masiyadong madilim sa parking lot, kaya hindi ko alam kung anong nangyare. Basta ang alam ko lang, ng makarinig ako ng isang putok ng baril, ay kasabay nun ang pagbagsak ni Tam sa bisig ko at may tama na ito ng bala sa kanyang likuran " pagkwe-kwento ko sa kanila.
" Imposibleng hindi mo nakita, " lahat naman kami ay napalingon sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ito,
" Tito Tero, " pagtawag ko sa kanya na may pagkabigla na ikinatingin saken ng mga kaibigan ko.
" Imposible, dahil kahit paano, may nagsisilbing ilaw sa parking lot na kung saan kayo naroon at kung saan nabaril ang anak ko! " ika nito na ikinabalik ng tingin a kanya ng mga kaibigan ko.
" Tatay po kayo ni Tam? " pagtatanong ni Gio na nanlalaki ang mga mata. Tumango si Tito Tero sa kanya.
" Ako nga, " matigas na sagot nito na nagpalunok kay Gio. Nakakatakot naman talaga kasi ang ama ni Tam, dahil may laki itong 6 footer at may kalakihan din ang katawan, na aakalain mo na sumasabak Ito sa mga laban tulad ng wrestling.
" Ngayon Ross, paano mo masasabi saken na hindi mo nakita dahil madilim sa parking lot? " pagtatanong nito saken na ikinalunok ko ng laway ko.
" H-hindi ko po talaga alam. That time, nasa harapan po ako ni Tam at sakanya lamang ako nakatingin. Kaya wala po talaga akong nakita, na may tao doon bukod saming dalawa " paliwanag ko, pero parang hindi parin siya naniniwala sa sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
The Bullies Karma •FIN•
Mystery / Thriller[ COMPLETED ] Hanggang saan makakarating ang paghihiganti ng isang Bully noon? Gusto niyong malaman? Read this story :)