Chapter XXII

96 3 0
                                    

Third person's POV

" Ahh! " tili ni Hope ng makarinig ng putok na umalingasaw sa tahimik at madilim na skwelahan na kung nasaan sila ng kanyang mga kaibigan.

'P-putok ng baril? S-saan nanggaling iyon?' Pagtatanong nito sa kanyang sarili, nanlaki naman ang kanyang mga mata at Naka ramdam ng Mabilis na takot nang maalala nito ang kanyang mga kaibigan.

" K-kailangan ko silang mahanap, k-kailangan ko silang mahanap! " natataranta nitong ika, hayun sa Pagtayo sa kanyang kinauupuan sa lupa ay nataranya din ito " Ahh! " tili nito ng bigla na lamang siyang mabunggo sa isang mayigas na bagay ng lumingon ito mula sa kanyang likuran.

Subalit, kinabahan ito ng mahawakan nito ang bagay na nabungggo niya. Dahil hindi pala iyon isang bagay, kundi isang katawan ng lalaki ng tao!

" Hope? " parang naman daw nabuhusan ito ng malamig na tubig ng marinig ang boses ng taong nabangga nito.

" R-renzo, " pagtawag nito at unti-unting iniangat ang kanyang paningin. Lumaki naman ang lapag ng ngiti nito sa labi ng makumpurma na nito na ang kaibigan niya nga itong si Renzo, at dahil sa sobrang tuwa pa ay nayakap niya pa ito.

" What happen? Nasaan ang iba? " pagtatanong nito ng makawala na sa kanya ang kaibigan sa pagkakayakap nito.

" Si Sanity hindi pa bumabalik lalo na si Tulip, umalis naman kanina si Heron, at naiwan naman si Gio na mag-isa sa silid dahil sinundan ko si Heron "

" Huh? Pero kakagaling ko lang sa silid, at wala ni isang tao doon! " nabigla naman ng dahil doon si Hope at muling kinabahan ng matindi, dahil naalala nito ang kanyang narinig na isang sigaw na hindi niya nabosesan ng maiigi, ngunit may binanggit siyang pangalan.

'Hindi kaya...' Mabilis naman nitong pinutol ang kanyang naiisip na posibleng may nangyareng masama sa kanyang kaibigan.

" Hope, Hope! Are you okay? " pagyugyog ni Renzo sa kanyang kaibigan, dahil bigla na lamang itong natulala sa kanyang sinabi.

" R-renzo... " pagtawag nito sa kanyang kaibigan na nakatitog lamang sa kanya at hinihintay ang kasunod nitong sa sabihin " May hindi nangyayareng maganda dito, "

" Huh? Paano mo naman na sabi? " takhang tanong ng binata sa kanya. Tinitigan nito ang binata sa mga mata na ikinatakha naman lalo ng binata sa kinikilos at sinasabi sa kanya ng kanyang kaibigan.

" Hindi ko alam, pero napaka lakas ng nararamdaman ko, na may kakaiba at hindi magandang nangyayare dito ngayon "

" Hindi kita maintindihan, " naguguluhang tanong parin nito, dahil hindi parin nito makuha ang gustong sabihin ng kanyang kaibigan sa kanya.

" Nasaan si Sanity? Kailangan na nating hanapin si Sanity, Renzo. Hangga't hindi pa huli ang lahat "

Sakit ng ulo at pagbabaliktad ng sikmura ang nararamdaman ni Tulip ng magkaroon ito ng malay-tao. Mas lalo naman itong Naka ramdam ng pagkahilo nang maimulat na nito ang kanyang mga mata.

" Ack, " pagsusuka nito, ngunit tila ba bumalik sa kanyang sikmura ang dapat niyang isusuka ng makita nito sa kanyang Ibaba ang malalim na tubig, at sa pinaka ilalim nito ay may mga patalim na nakatusok mula doon.

" Ahhh! Tulungan ninyo ako! Tulungan ninyo ako! Ahh! " sigaw nito ng paulit-ulit. Ngunit mas lalo pa itong na pasigaw nang mapansin nitong nakatirik ito ng patiwarik " Someone help me! Please! Get me outta here! "

Ngunit kahit anong pasigaw ang kanyang gawin, ay walang taong makakarinig sa kanya, dahil nasa loob Ito ng maliit na gymnasium ng skwelahan.

" Heron! Hope! Tulungan niyo ako! Huhuhu " humahulgol na lamang sa iyak ang kanyang ginawa ng mapagod ito sa kakasigaw ng tulong.

The Bullies Karma •FIN•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon