VI- She's gone...

196 6 2
                                    

Third person's POV

" What a great scene, panalo! Pwede ng gawing story at ibenta sa isang pub house! What do you think honey? " pagtatanong nito sa kanyang kasama na nasa kanyang likuran habang tahimik na pinanunuod ang insidente sa isang CCTV camera.

" Okay lang, basta ba ikaw ang gagawa! Ikaw ang bida at ikaw ang mamamatay! " bagot nitong sagot at inalis na ang tingin sa CCTV cam.

" May bida bang namamatay? Wala naman hindi ba? " kunot noong tanong nito at pinatay na ang CCTV at tumayo na sa harapan ng kanyang kausap.

" Meron, sinong nagsabing wala at isusunod ko siya? " napalunok naman ang kausap nito at mabilis na binawi ang kanyang sinabi.

" So, kailangan mo na ba ang pera mo? O tutulungan mo parin ako hanggang sa huli? " sa maamong mukha na kanyang ipinapakita kanina sa kanyang kausap ay ngayon ay napalitan ng mukha ng isang demonyo.

" I'm on, pero ipangako mo lang na huwag mo siyang idadamay dito! At sa oras na masali siya sa ginagawa mo-- "

" Natin, " pagtatama nito " Natin, ginagawa naten, okay? "

" Tsk!, ako ang makakalaban mo! Nagkakaintindihan ba tayo? "

" I can't tell that honey, " pinaningkitan ng huli ang taong nasa harapan niya " If his don't do anything na makakasira sa plano ko, o natin, hindi siya madadamay, pero sa oras na makialam siya at may nasira sa ginawa kong plano, pasensyahan nalang tayo. Kaya kung ako sa'yo, sabihin mo sa kanya na huwag siyang makialam "

" Are you insane? Paano ko gagawin 'yon? "

" That's your problem honey, not mine! So, marami pa akong gagawin, see ya laters " atsaka na ito lumabas sa silid sa kung saan sila nanunuod.

Naikuyom naman ng huli ang kanyang mga kamao at masamang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas ang una.

" Ughh! Pagnatapos talaga tayo dito, hindi ako magdadalawang isip na isunod ka! Bwisit! " anito na nanggigigil atsaka pa sinipa ang swivil chair na natumba naman agad.

" Sige ba, unahan tayo! " nakangising bulong ng una na hindi pa pala nakakalayo sa silid na kanyang pinaglabasan, kaya't narinig nito ang sinabi ng taong naiwan sa loob non. Nagpaka wala muna siya ng isang ngisi sa kanyang labi atsaka na ito tuluyang naglakad palayo sa silid na iyon.

Hindi naman maipinta ang mga mukha ng mga magkakaibigan habang pinapanuod ng apulahin ang apoy ng mga bumbero ang taxi na bumangga sa isang truck at sumabog na siya namang sinasakyan ng kanilang kaibigan.

Matapos apulahin ng mga bumbero ang umaapoy na taxi ay nagsimula ng mag-imbistiga ang mga pulis, pagkatapos mag-imbistiga ay ang mga rescuer naman ang umaksiyon, kinuha nila ang dalawang bangkay na nasa loob ng taxi at isinakay na sa isang ambulance car upang dalhin sa furenal.

Buo pa ang mga katawan nito, ngunit sunog na sunog na ang kanilang balat na ulti moy hindi mo na sila makilala. Na kung hindi lang nasa driver seat ang isa at ang isa naman ay nasa back seat, ay hindi mo na maikikilala kung sino na sa kanila ang driver at ang pasahero nito.

" Ijo, " pagtawag pansin ng isa sa mga pulis sa magkakaibigan. Sabay-sabay naman ang mga ito na lumingon sa pulis " Sino ang pwede ko sa inyong makausap? " pagtatanong niyo, hindi na nagdalawang isip pa si Ross at siya na ang tumayo upang kumausap sa pulis " Kaibigan ka ng isa sa biktima hindi ba? " tumango Ito habang pinupunasan ang luhang walang hintong lunalandas parin sa kanyang pisngi.

" Ang pangalan ng isa sa mga biktima ay Hera Contreras, na kaibigan mo, tama ba? " sabi ng pulis at may itinaas pang isang malinaw na plastik na naglalaman ng isang sunog na I.D ni Hera, mas lalo naman itong naging emosiyon dahil mas lalo na nitong nakumpirma na ang kaibigan nga nito ang nasa loob ng taci na sumabog.

The Bullies Karma •FIN•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon