VIII- last goodbye

148 5 0
                                    

Sanity's POV

Libing na ngayon ni Hera, at isa-isa na kaming bumabasbas sa kanya ngayon. Hindi ko na nga mahawakan ng maayos ang pangbasbas dahil nanginginig ang mga kamay ko, dahil sa pag-iyak ko eh, at buti na lamang at nandiyaan si Renzo upang alalayan ako.

Matapos magdasal, ay ibinaba na nila ang kabaong ni Hera sa kanyang huling hantungan. Pulos iyak lamang ang maririnig mo sa buong paligid at wala ng iba pa. Ngayon naman ay sabay-sabay kaming pinalapit sa libingan ni Hera, upang hulugan Ito ng bulaklak, bilang huling pamamaalam.

Mas lalo naman akong na iyak ng biglang bumalik sa isipan ko, na kung paano kami unang nagkakilala ni Hera at maging magkaibigan.

Hindi kita malilimutan Hera, you're always here in my heart, our hearts. I love you Bru, kung nasaan ka man ngayon, ay sana masaya ka, at sana gabayan mo kaming lahat na mga kaibigan mo, sa pang-araw-araw na gumigising kami ng umaga, maging ang kapatid mo na nag-iisa na lamang sa bahay ninyo ngayon, dahil wala ka na.

Mahal na mahal ka ng kakambal mo Hera, kahit hindi halata. Nasaksihan mo naman siguro kung paano siya nagluksa sa pagkawala mo hindi ba?. Hindi pa nga yun naligo eh, ang bantot bantot na!

I'm gonna miss you Hera, we all gonna miss you. You may your spirit rest in peace in heaven, Hera. I love you.

Niyakap naman naming lahat si Heron ng tinatambunan na nila ang libingan ni Hera. Iyak parin kami ng iyak lahat, lalong lalo na si Heron, na simula kagabi ay umiiyak na, dahil huling beses na lamang niyang makakasama ang katawan ng kakambal niya.

Kung sa pagkamatay ni Jeka, ay hindi naman namin inintindi na kulang na kami, pero ngayong si Hera na ang nawala, ay ramdam na namin ang pagkakulang.

Ano kayang mangyayare samen bukas? At paano kami magsisimula na kulang kami?. Alam kong mahihirapan kaming lahat, dahil ito ang unang beses na wala na ang isa sa amin. Paano kaya namen ito lalagpasan?

Matapos ang libing, ay nanatili parin kaming siyam sa harapan ng puntod ni Hera, at tahimik kaming lahat na nakatingin lamang doon.

" Naging masama bang tao ang kakambal ko? " pangbabasag ng katahimikan ni Heron.

" Of course not! Alam nating lahat na kahit gaano ka sungit ang kakambal mo, ay hindi ito naging masamang tao "-Hope

" She always bawal-bawal nga us, when we bullying right? "-Tulip

" Masama? Wala yata sa bokabularyo ng kakambal mo iyon eh, mabuti pa siguro ang pagsusungit at baka puno pa ang diksiyunaryo niya na ganun "-Ross

" She's very kind person, kahit hindi halata dahil sa kasungitan na taglay niya! Just like you, "-ako

" At kung may masama man dito, ay yun ang taong gumawa sa kanya nito! Dapat siya ang nasa hukay, dapat siya ang nawala sa mundo! At dapat siya ang namatay! Hindi si Hera! "-Suzy

" I'm gonna miss my side kick, "-Tam

" Im gonna miss her bitchy side, "-Gio

" I'm gonna miss her so much, "-Renzo

Hayy! Napakahirap naman nito! At sana ay hindi na maulit ang ganito, at baka hindi na namin kayaning lahat.

Pero parang malabo, dahil kahapon lamang ay nakatanggap kami ng sulat mula sa killer. Missing Flower, ang nakasulat doon. At kaya ngayon ay todo bantay kami kay Tulip, dahil alam naming lahat na siya na ang puntirya ng killer. Paano namin na laman na siya? Eh sino pa ba ang may pangalan na bulaklak saming magkakaibigan?, kundi si Tulip lang naman.

At dahil nga sa kailangan niyang mabantayan, si Heron ay kina Tulip muna maninirahan. Hindi naman tumanggi doon si Tulip, dahil delikado rin daw na iwanan mag-isa si Heron sa kanilang bahay, lalo na't wala itong kasama.

The Bullies Karma •FIN•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon