Ross and Heron >>> MEDIA
Third person's POV
Pagkatapos ng pasok ay umuwi na agad si Siuzy sa kanyang bahay, nagkaayayaan pa nga ang kanyang nga kaibigan na mag mall rin at sumama nalang kay Tulip, pero hindi na ito sumama pa, dahil may mahalagang importante pa kasi itong gagawin.
" Hi there, " bati ng taong laging nasa loob ng kanyang bahay kapag ito ay dumarating galing skwelahan.
" Trespasser, " giit nito at nilagpasan lamang ang taong iyon na tumawa naman dahil sa kanyang sinabi, ngumisi muna ito bago nagsalita " Nagsabi ang hindi, " tumalim bigla ang mga mata ng dalaga sa kanyang kausap.
" Huwag kang magkakamaling halungkatin ang nakaraan, Leonara. Matagal ko ng kinalimutan ang nakaraan na iyon! " mariing giit nito atsaka nagtungo ng kusina upang manguha nh cheese ring, dahil nauuyam ito.
" Oh, kinalimutan mo na ba? Pero bakit nagagalit ka? Alam mo pa noh? " anito na may pagkalokong ngiti sa mga labi habang sinasabi niya iyon. Nakaramdam naman ng pagkainis si Suzy ng dahil doon.
Pero nagbuntong hininga na lamang ito at hindi na lamang pinansin ang pang-iinis sa kanya ng kanyang kaibigan " What are you doing here? " tangi na lamang niyang tanong upang makaiwas na sa pinag-uusapan.
Ngumisi ang dalaga sa naging tanong sa kanya ng kaibigan, tumayo ito sa kanyang kinauupuan at nagtungo rin sa kusina. Ipinatong nito ang kanyang magkabilang siko sa kitchen bar at hinarap si Suzy na ngayon ay busy na sa pagkain ng cheese ring.
" To help you? I know you're doing some investigation, for Jeka and Hera's death " anito na nakapagpigil sa paglalamon ng chichirya ni Suzy. Namimilog naman ang mga mata nitong tumingin ng daretso sa kanyang kaibigan na nakangising nakatitig sa kanya.
" H-how did you know? " nagtatakhang tanong nito, mas lalo namang lunmapad ang ngisi ng kanyang kaibigan kaya pinagsalubungan na nito ang kanyang mga kilay " Pumasok ka sa loob ng kwarto ko? " giit nito na halatang galit
Mabilis na nagtaas ng dalawang kamay ang dalaga na para bang inaamin nito na tama ang kanyang sinasabi ngunit hindi nito sadya " Not my bad, but your brothers bad. Siya ang unang lumabas at pumasok sa loob ng kwarto mo. Wala naman talaga akong interes na pumasok doon, pero may nahagip ang mga mata ko na mga pictures na nasa harap ng salamin ng study table mo, kaya't pumasok ako't inalam kung para saan ang mga iyon, " mahabang paliwanag nito, Kumuha pa ito ng yiubig sa ref at uminom.
" Yuri is here? " hindi makapaniwalang tanong nito at nagbabadya ng bumagsak ang kanyang mga luha dahil sa kanyang narinig. Nagtakha naman ang dalagang kanyang kaibigan dahil sa nakikita nito sa kanyang kahatap na ngayon ay naglalandas na ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi ng walang hinto.
" Hey asawa ni Baekhyun! What happen to you? " tapik sa brasong ika nito sa kaibigan. Mabilis namang pinunasan ni Suzy ang kanyang basang mukha ng maalala na nasa harapan nito ang kanyang kaibigan.
Ngumiti iyo ng pilit " Baek lang ang apilyido ko, pero hindi ko asawa si Baekhyun, excuse me lang si Taehyung ang asawa ko " anito atsaka pa gumawa, kahit pilit lamang iyon.
" Assuming, " pagsasakay lamang nito, pero wala itong balak na hindi tanungin ang kaibigan kung bakit ito biglang umiyak " Pero, bakit ka nga ba umiyak? " Mabilis na yumuko si Suzy at kinagat nito ang kanyang ibabang labi upang pigilan na ang kanyang pagluha.
" My brother, Yuri is passed away, " nagulantang si Leonara ng dahil doon at otomatikong tumaas ang kanyang mga balahibo sa katawan.
" Y-you m-mean... H-he is dead? " pangingumpirma pa nitong muli, na tila ba ayaw nitong maniwala sa sinabi nito sa kanya, tumango naman ng isang beses si Suzy na mas lalong ikinakilabot ni Leonara " Oh, f*ck, Im seeing a dead people? " anito na pasigaw
BINABASA MO ANG
The Bullies Karma •FIN•
Mystère / Thriller[ COMPLETED ] Hanggang saan makakarating ang paghihiganti ng isang Bully noon? Gusto niyong malaman? Read this story :)