Chapter XXI

92 3 0
                                    

Third person's POV

" Ang tanga-tanga niyong dalawa, " ika ng salarin habang hila-hila sa kwelyo ang binatang si Ross na ngayon ay wala ng malay dahil sa pagpalo nito ng malakas sa batok ng binata.

" Wow! You found him, " tumatalong ika ng isa pang salarin habang palapit ito sa kasama.

" Great, buti naman at hindi ka nag dalawang isip na patulugin yang love once mo? " ika ng principal habang nakangisi at palapit sa kausap.

" Eh hindi rin naman siya nagdalawang isip na hindi ako ang piliin niya eh, " mariing ika nito at tinapon ang binata sa harapan ng dalawang taong kausap nito.

" Aww, humuhugot si Honey ngayon Muds oh, palakpakan mo nga! " ika ng isa atsaka pa ito pumalakpak. Sinamaan naman siya ng tingin ng taong kausap.

" Mag-isa ka, huwag ka ng mang damay diyan! " irtap na ika ng Ina nito sa kanya at naglakad pabalik sa kanilang kinatatayuan ng binata at pinulot ang cellphone na nabitawan ng binata nang sakalin niya ito.

" Kj mo Muds! Tss! " maktol naman ng anak sa kanya.

" Arggh! " gigil nitong sigaw ng mabasa ng buo ang teks message ng isang pulis sa binata na siyang nagdidiin o nagtuturo na siya ang salarin.

Tinapon niya muli sa damo ang cellphone ng binata at maraming beses itong inapakapakan na ikinabasag nang salamin ng cellphone.

" What's the matter Muds? " pagtatanong ng anak nito sa kanya habang lumalapit ito sa kanya. Mabilis naman siyang lumingon sa anak na ibang iba ang aura dahil sa nabasa nito. Napahinto ang anak nito sa paglalakad ng makita ang itsura ng Ina.

" Sino ang Naka kakilala kay SPO2 Santos? "

*

" Heron! " pagtawag ni Hope sa kaibigan ng makitang tumayo ito sa kanyang kinauupuan at naglakaf palabas ng silid na kung saan silang lahat na magkakaibigan ay natutulog.

Ito ang unang silid na nilinis nila ng una silang makarating na magkakaibigan sa SWA, kaya napagdesisyon narin nila na, iyon na lamang ang gamiyin nilang kwarto para pagtulugan nilang lahat.

" Saan ka pupunta?!" sigaw nito at pilit na kumawala sa pagkakayakap ng kaibigan na hanggang ngayon ay nasa mahimbing parin na pag tulog. Nagawa naman nitong maka wala, kaya mabilis itong tumakbo palabas upang sundin ang kaibigan.

" Aray! " at dahil sa ginawang iyon ni Hope, ay nasubsob ang nguso ng kaibigan niya na si Gio sa sahig " Hope, bakit ka uma-- " hindi na natapos ng binata ang kanyang sabihin, nang makita ba kahit isa sa mga kaibigan niya sa loob ng silid ay wala at tanging nag-iisa na lamang ito doon " Nasaan silang lahat? " kamot ulong pagtatanong nito sa kanyang sarili at tumayo na sa kanyang kinauupuan, upang maglakad palabas at hanapin ang kanyang nga kaibigan.

" Hope! Heron! Ross! Sanity! Renzo! " isa-isang pagtawag nito sa mga kaibigan habang inililibot nito ang paningin sa madalim na paligid ng skwelahan.

Madilim, dahil ilan lamang ang ilaw na nakasindi sa paaralan, at ang masama pa doon ay hiwa-hiwalay pa ito kung Saan ito mga nakasindi, kaya napakadiliim sa buong paligid, na animoy walang ilaw na nakasindi.

" Ahh! " sigaw niyo ng bigla na lamang siyang mahulog sa isang malalim na bangin, dahil hindi niya ito nakita dahil sa dilim ng paligid.

Napahinto sa paghabol si Tulip sa paghabol sa kaibigang lalaki ng makarinig ito ng isang sigaw " Gio? " hindi nito siguradong pagbanggit sa pangalan. Lumingon muna siya sa kaibigang lalaki na papalayo na sa kanya ng tuluyan. Napa buntong hininga na lamang siya at naiiling na tumakbo pabalik upang tignan na lamang ang kaibigan na mag-isang naiwan sa loob ng silid aralan.

The Bullies Karma •FIN•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon