Chapter XIX

92 3 0
                                    

Sanity's POV

Kanina pa ako naiinis!

Kanina pa ako nagtitimpi!

At kanina ko pa gustong isalaksak sa bibig ni Tulip, na walang ibang ginawa kundi tumili simula pa kahapon maging pati sa hanggang ngayon!

Aanhin ba siya ng ipis? Palaka? Butiki? Ghad! Ipakain ko pa sa kanya yan eh!

Maiintindihan ko pa sana kung ahas iyong mga iyon, dahil iyon nanunuka na maari mo pang ikamatay! Pero Ghad hindi eh! Kaya kapag hindi na ako nakapagtimpi sa kanya, baka ituloy ko na sa kanya ang pagsalaksak ko ng hawak kong walis ting-ting sa bibig niya! Tss!

Nakakairita kaya! Na imbis na makakatapos ka, napupurnada pa grr!

" Tulip pwede ba!? Ang ingay mo! Lalo mo lang binubulabog ang mga ipis dahil sa kaingayan mo eh! " kamot ulong ika ni Hope at halata narin sa kanya ang pagkairita.

Sino bang hindi maiirita? Ay meron pala, heto palang si Heron... Ghad! Paano kaya niya natitiis ang boses ni Tulip na makabasag salamin?

" They are so nakaka--- waaaah! Flying ipis, ayoko na dito! Ayoko na dito! Huhu " muli na naman niyang tili, Tss! Isa nalang, itutuloy ko na talaga ang binabalak ko.

" Narinig niyo yun Guys? Nagtahalog ng tuwid si Tulip, " napapapalakpak na ika ni Gio, habang hindi makapaniwalang inililibot ang tingin saming lahat. Napairap lamang ako sa kanya.

" She knows how to, spoke straight Tagalog naman talaga eh, " napataas ako ng tingin kay Renzo ng magsalita siya " Na sanay lang talaga siya sa pagsasalita ng conyo, kaya hindi na ito makapag salita ng tuwid na Tagalog o english, nakilala niyo naman siguro mga pinsan niya " Psh! Basta talaga tungkol jkay Tulip ang dami niyang alam, grr!

Oo na! Selosa na ako! Oo na! Nagseselos ako!

Sino ba hindi di ba?

Na kung sino pang hindi girlfriend ng boyfriend mo, ay mas marami pa siyang alam tungkol doon! Tss!

" Can we please, go home na? I don't like here! "

" Pwede ba Tulip! " sigaw ko dahil sa irita na ikinatingin saken lahat ng mga kaibigan ko. Pero inirapan ko lang sila at tinapon sa harapan ni Tulip ang walis ting-ting na hawak ko.

" Alam mo, kanina pa ako naiirita sa'yo eh! " namilog naman ang kanyang mga mata ng bigla ko siyang samaan ng tingin " Maraming classroom pa ang lilinisin natin, marami pa tayong bubunutin na damo! Oo marami nga tayong naglilinis, pero dahil diyan sa kaartehan mo, wala tayong magagawa, wala tayong matatapos!

Kung gusto mong mabulok dito ng maraming taon, pwes solohin mo! Huwag kang mang damay ng iba! "

" Sanity... " pagtawag sake ni Renzo atsaka niya akong hinawakan sa kabilang braso, pero hinigit ko iyon ba ikinabigla niya.

" Ano? Ipagtatanggol mo siya? Ipagtatanggol mo yang babaeng yan, na Limang taon mong niligawan! Ha!? " atsaka ako dumistansya sa kanya.

" Sanity... Ano ba yang sinasabi mo? I just want you to cal--- "

" Stop lying Renzo! " nakapikit kong sigaw " Ayoko na! Sawa na ako sa pagpapakita mo saken na ako ang mahal ko, kahit iba na ang gusto ng puso mo!

Oo, siguro nga, mahal mo ako noon nung kami pa ng boyfriend ko, pero Renzo, nagbago na iyon eh. Nagbago na iyon, simula ng ligawan mo si Tulip "

" Babe, hindi totoo yan! Ano bang sinasabi mo? Ikaw ang mahal ko, hindi si Tulip! "

" Paasa! " lahat kami napalingon sa nagsalitang si Tulip, na masama na masama ang tingin kay Renzo habang nakakuyom pa ang dalawang kamao nito.

The Bullies Karma •FIN•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon