CHAPTER THIRTEEN

24 3 0
                                    

"MOM?"

"Bakit ano pong ginagawa nyo dito?"

"Bakit masama na bang umuwi sa bahay ko?"

"Hindi naman po nakakapanibago lang na nandito kayo. Kasama nyo po ba si Dad?"

"Hindi ko siya kasama ako lang ang umuwi dito hindi rin niya alam."

"Bakit naman po?"

"Wag ka ng madaming tanong. Bakit ngayon ka lang umuwi?"

"Kasi po may party po sa school?"

"Yan lang ba ang inaatupag mo sa school yang party party na yan hindi kita pinagaaksayahan ng pera para diyan pinagaaral kita para naman kahit papaano may silbi ka!"

"Ang sakit nyo magsalita hindi po ako kagaya ng iniisip nyo party po yun para sa principal ng school dahil birthday niya at saka bakit po ba ganyan ang treatment nyo sa akin parang hindi nyo ko anak ah. Àno lang po ba ko sa inyo? bakit ganun nalang yung galit nyo sa akin may nagawa ba kong masama sa inyo? Kung husgahan at laitin nyo ko akala nyo ba hindi ko alam kung gaano nyo ko laitin sa harap ng mga business partners nyo? Mom anak nyo ko and besides nagiisa lang ako. Pero para sa inyo isa lang akong walang kwentang tao. Masakit pero tinitiis ko lang ang lahat kasi magulang kita at anak lang ako."

"Gusto mong malaman kung bakit ganun nalang ang galit ko sayo?"

"Opo!"

"Kasi dahil sayo nawala ang kapatid mo! dahil sayo nawala ang anak kong lalaki! Naiintindihan mo na?"

"Ha? may kapatid ako? bakit naging kasalanan ko? paano? wala akong maalala"

"Hindi mo talaga maaalala dahil maliit ka pa noon naglalaro ka sa may garden at hinabol kita dahil wala si Manang dahil namili siya. Nung araw na yun kagagaling ko lang ng hospital dahil nagpacheckup ako nalaman ko na 3 weeks pregnant ako ibabalita ko sana sa dad mo kaso umalis siya at nakita kita sa may garden na tumatakbo kaya naman hinabol kita hanggang sa hanggang sa natalisod ako at tumama yung tyan ko sa may poste at dinugo ako tinawag ko si mang johny para dalin ako sa hospital pero gaya ng inaasahan ko wala na ang baby ko ni hindi ko man lang siya napakilala sa daddy niya ang anak ko nawala namatay siya dahil sayo dahil sayo."

" Hin-di hind-i ko yun kasalanan. Saka bata pa ako noon mom. Natural lang na maglaro. May kapatid ako? at kasalanan ko kung bakit siya nawala? hin-di yan totoo!"

"Totoo ang lahat dahil sayo nawala siya!"

"HINDI!"

Sabay takbo palabas.

"Ihaa!" 

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na hindi niya yun kasalanan hanggang kailan mo siya sisisihin sa kasalanang hindi niya ginawa. Hanggang kailan mo tatanggapin na aksidente lang ang lahat."

"Hanggang nakikita ko siya hindi ko matatanggap".

"Sige lang tratuhin mo pa siya ng ganyan dalawang anak mo na ang mawawala sayo. Imbis na pagtuunan mo siya ng pansin ano ang ginagawa mo tinataboy mo siya palayo sayo. Pagod na kong paliwanagan ka ang tigas ng puso mo at ayaw mong buksan yan puso at isip mo".

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapagod ako at huminto ako sa park sa village namin.

Hindi ako makapaniwalang may kapatid ako? buong buhay ko pinaniwalaan kong magisa lang ako at ako ang dahilan kung bakit siya nawala? pinatay ko ang kapatid ko? hindi yun totoo kung alam lang nila kung gaano ko kagustong magkapatid at kung gaano ako naiinggit sa mga may kapatid tapos ako ang dahilan kung bakit siya nawala?

"Miss okay ka lang?"

"Hindi ko naman kasalanan yun e. Bata pa ko nun mahilig naman maglaro ang mga bata diba?"

"Oo naman ganun yung kapatid ko e."

Napaangat ako ng ulo.

"Sino ka? anong ginagawa mo dito?"

"Ngayon mo lang ako napansin? eh tinatanong nga kita kung okay ka lang at saka mukang malaki nga ang problema mo. And besides open naman sa lahat ng nakatira dito ang park di ba?"

"Sorry"

"Okay lang."

"Bago ka dito?"

"Hindi matagal na ko dito hindi mo lang ako napapansin kasi hindi ka naman ata lumalabas sa inyo ngayon lang din kasi kita nakita"

"Ah oo di nga ako pala labas hindi kasi ako pinapayagan."

"Buti ngayon pinayagan kana? panyo?"

"Salamat tumakas lang ako."

"Ako nga pala si Cyrus ikaw?"

"Mitchi Lean."

"Masiyadong mahaba Mitch nalang tatawag ko sayo ah"

"Bahala ka."

"Di na kita tatanungin sa problema mo. Pero alam mo kung ano man yan at kung gaano man yan kalaki makakaya mo yan lahat kasi tayo nagkakaproblema pero dahil pilipino tayo hindi tayo madaling sumuko kaya ipagpray mo yan at humingi ng tulong sa kanya wala kasing imposible sa kanya"

"Pero paano kung magulang ko ang problema?"

"Kahit pa. Marami namang anak ang nagkakaproblema sa magulang hindi lang naman ikaw"

"Kakaiba kasi ang buhay ko. Hindi ko na din maintindihan naguguluhan na ko. Kung pwede lang na magpalit ng magulang matagal ko ng ginawa"

"Yan naman ang hinding pwedeng mangyari kasi may kanya kanya tayong magulang paano naman yung mga batang ayaw palitan ang mga magulang nila? at saka bakit mo naman naisip na palitan ang magulang mo?"

"Ang totoo niyan si mommy lang naman ang gusto kong palitan kasi hindi niya ko mahal. Hindi ko maramdaman na mahal niya ako."

"Alam mo walang nanay ang hindi mahal ang kanyang anak."

"Meron ang mommy ko"

"Mahal ka nun. Siguro lang hindi niya alam kung paano ipaparamdam sayo"

"Sus. Di na ko aasa na mangyayari pa yun."

"Ikaw talaga. O sige una na ko sayo nice meeting you mitch usap nalang ulit tayo minsan. Bye"

"Thank you  sa pakikinig nakakagaan ng loob. Nice meeting you too."

 DAD! Where are you? I need you.




























@PinkRibbon♡

Vote and comment :)

Thank You!

Godbless! :)

LMTYH❤ (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon