Alam mo yung sabay sabay na dumadating yung mga taong akala mo wala na hindi na magpaparamdam at magpapakita. Ang weird kasi bakit kailangan sabay sabay silang dumating hindi ko alam kung paano ko tatanggapin lahat ng mga nangyayari naguguluhan na ko hindi ko na alam ang totoo.
Una si Zumi ngayon na naman si Xian? What the Eff. Sino pa sino pa ba ang dadating kasi gulong gulo na ko alin pa sa alam ko ang hindi totoo? Okau na e nagiging okay na ang lahat okay na sa akin si Vince unti unti ko na siyang hay basta.Flashback.
Apat kaming magkakaibigan Kira ako Xian at Calvin nung HS kami lagi kaming magkakasamang apat were very close hanggang sa isang araw nawala nalang nang parang bula si Xian walang paalam walang pasabi bigla nalang nawala lahat kami nagalala kasi hindi namin mahanap kahit saan hanggang nabalitaan nalang namin na namatay siya. Sobrang sakit ng naramdaman ko ng mga oras at araw na yun parang ang hirap tanggapin kasi okay naman kami at kasama lang namin siya tapos mababalitaan namin na wala na siya? Nakita daw ang bangkay niya sa may ilog hindi pinakita sa amin dahil daw hindi na maganda dahil alam nyo na kaya naman mas lalong nanghina ako hindi ko matanggap kasi siya yung bestfriend nagiisang bestfriend kong lalaki tapos walang awa yung gumawa sa kanya halos araw araw umiiyak ako sa nangyari ang tagal bago ko natanggap na wala na siya hindi pa nga sisink in yung lahat biglaan kaya sobrang hirap tanggapin at isa pa wala na kong pagasa na sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kagusto ng higit pa sa pagiging kaibigan. Mahal ko siya mahal na mahal actually nauna ko siyang minahal kaysa kay Peter tinago ko dahil natatakot ako na masira yung friendship namin kaya hindi ko sinabi tama nga nasa huli lagi ang pagsisisi.
"Mitchi pangako ko hindi kita iiwan dito lang ako lagi sa tabi mo kaya naman nangangako ako na hinding hindi kita iiwan kaya sana ganun ka din kasi sobrang importante mo sa akin at di ko kaya na mawala ka sa akin. Alam ko ang possessive ko para sa isang bestfriend pero ayoko lang may nananakit at nagpapaiyak sayo mahal na mahal kita lagi mong tandaan kapag may problema ka andito lang ako lagi kahit buhay ko itataya ko para lang sayo"
Xian alam mo ba na mahal na mahal kita hindi ko akalain na magtatapos ang lahat ang dami na nating pinagsamahan at nangako ka na hindi mo ko iiwan na kahit anong mangyari lagi kalang nasa tabi ko pero bakit ngayon wala kana iniwan mo na ko paano na nasaan na yung pangako mo ang daya mo naman e. Diba walang iwanan pero ano ginawa mo iniwan mo ko ang sakit sakit kasi wala kana ang hirap tanggapin pero kailangan alam ko masaya kana diyan sana lagi mo padin kaming bantayan. Sobrang namimiss na kita at mahal na mahal kita Xian.
End of flashback.
Hindi ko maiwasan na maiiyak kapag naaalala ko ang mga nakaraan sobrang nasaktan ako tapos ngayon malalaman ko na kasinungalingan lang pala ang lahat na pati si daddy itinago sa akin alam niya kung gaano ako nasaktan nung nawala si xian pero hindi parin niya sinabi ang totoo. Nagmahal ako pero nasaktan din ako ilang tao pa ba ang mananakit sa buhay ko ilang problema pa ba ang dadating kasi parang sunod sunod sila nakakapagod na hindi ko na alam kung ano ang totoo.
Natauhan lang ako ng biglang magsalita si Xian sa tabi ko.
" uyy Mitchi okay ka lang parang wala ka sa sarili"
" sino ba ang hindi mawawala sa sarili xian? Bigla bigla ka nalang magpapakita matapos ang napakatagal na panahon? Ano gusto mong maging reaction ko matuwa ako?"
" Mitchi patawarin mo ko sa nagawa ko nagawa ko lang naman yun para malaman ko kung sino yung nagtatangka sa buhay ko"
" Makasarili ka xian? Magbestfriend tayo diba? Pero bakit di mo sinabi sa akin wala nalang ba ko sayo hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nung nawala ka walang kang alam."
" Kasi ayoko na madamay ka pa kasi baka saktan ka din nila. Alam ko kung gaano ka nasaktan kasi sinusundan kita palagi kahit saan ka magpunta nandoon din ako binabatayan kita"
" natatakot ka na masaktan ako? Pero yung mararamdaman ko hindi mo inisip? Hindi ako makapaniwala all this years niloloko mo kami? At kasabwat mo pa si daddy?"
" hindi ko kasabwat si tito nito lang din niya nalaman sa kanya ako unang nagpakita at na kwento ko na din lahat sa kanya. Intindihin mo naman ako. At saka ayaw ko lang talaga na mapahamak ka"
" Ang galing galing mo! hindi na kita kilala xian kasi hindi ganyan yung kilala kong xian sana di ka nalang nagpakita sana lahat ng alam ko hindi na nagulo hindi ko alam kung dapat pa kong maniwala sayo"
" Mitchi alin ba sa mga sinasabi ko ang hindi mo maintindihan ang linaw ng sabi ko na kaya ko nagawa to kasi ayaw kong madamay ka sa problema ko kasi mahalaga ka sa akin buhay na yung nakataya dito kaya ko nagawa yun bakit ba hindi mo maintindihan."
" Yun na nga eh bakit sa dami dami na pwedeng sabihin na dahilan bakit yung pagkamatay yung ginawa mong dahilan pano na sila tita wendy si tito jun si ate xiara at si xia naisip mo ba mararamdaman nila pamilya mo sila pero bakit di mo nagawang sabihin sa kanila? Sasabihin mo ayaw mo din silang madamay? Ano yun magpapakasuper hero ka lulutasin mo magisa yang problema mo? Sige suportahan kita yun ba gusto mo? Na tanggapin ko ang lahat na nagbalik ka na? Imissyou xian yan ba? Alam mo umalis kana muna wala kasi ako sa mood na makipagusap sayo please lang."
" Mitchi please intindihin mo naman ako maniwala ka sa akin please. Wala na ba sayo lahat ng pinagsamahan natin?"
" WOW! Ako pa ngayon ang nakalimot sa mga pinagsamahan natin? Xian hindi mo alam kung gaano ako nagalala nasaktan ng dahil sayo! Lahat ng pinagsamahan natin sinira mo ikaw ang may dahilan kung bakit ang hirap hirap ng maniwala sa mga sinasabi mo. Hindi ako nakalimot kasi all this years hindi kita nakakalimutan ang unfair naman ata na ako pa ang nakalimot? Ikaw ano ba yung ginawa mo? Pinahalagahan mo ba? Niloko mo kami kami ng pamilya at kaibigan mo. At gusto mong maniwala ako sayo ni hindi mo nga pinahalagahan yung pagkakaibigan natin wala lang yun sayo kaya nagsinungaling ka. Please xian umalis kana"
" please mitchi please!"
Umakyat ako sa kwarto pero sinundan pa din niya ko hinila niya ang kamay ko pero hindi ako nagpapigil sa kanya. Nasaktan ako masisisi nyo ba ko? Naloko ako ng bestfriend ko hindi ko siya kayang makita at makausap hindi niya alam lahat ng paghihirap ko wala siyang alam wala. Nagkulong lang ako sa kwarto narinig ko na kinausap siya ni daddy kaya naman nakahinga na ko ng maayos. Akala ko maaayos sa paguusap pero mukang lumala pa ang lahat eto umiiyak nanaman ako bakit ko ba iniiyakan grabe sobra na yung naiyak ko sa kanya noon nasayang lang lahat ng iyak ko sa kanya. Narinig ko na may tumatawag sa phone ko pero hindi ko pinansin tapos maya maya tumawag nanaman ignore ulit pero dahil nainis na ko kinuha ko na at sinagot hindi ko na din tiningnan kung sino medyo mataas ang boses ko kasi naman naiinis talaga ko kay xian.
"ANO!?"
" Galit ka ba? May problema ba?"
" A-ah vince ikaw pala yan napatawag ka?"
@PinkRibbonXXX
Vote and Comment :)
Thank You ♡