"ZUMI?!"
"Itchi?"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ha? Eh magaapply sana ng trabaho"
"Trabaho? Di ba may?"
"Marami ang nangyari itchi"
"Teka magkakilala kayo?"
"Oo."
"Hindi ko alam na kayo pala ang may ari nito. Small world nga naman. Kamusta ka na? Pwede ba tayong magusap?"
"Wala na tayong dapat pagusapan Zumi. Sorry wala kasing bakanteng trabaho dito. At saka di mo ba alam nalulugi na to. Sa iba ka nalang magaapply"
"Ngayon pa na nalaman ko na nandito ka? Please itchi kahit anong trabaho kahit janitor.?"
"What? Nababaliw ka na ba?"
"Sorry pero ayaw muna kitang kausapin ngayon"
"Kailan pa itchi ang tagal ko ng naghintay na kausapin ka at ipaliwanag ang lahat."
"Please naman. Kahit pagkatapos ng lahat ng sasabihin ko aalis na ko dito at di na ulit magpapakita sayo. Please lang"
"Ayo"
"Mitch pagbigyan mo na."
"Pero Xian?"
"Sige na wala namang masama di ba? Kahit na hindi ko alam ang nangyayari mas maganda kung magkaayos na kayo kung ano man yan."
"Salamat"
"Fine."
"Sige lalabas muna ako."
"Hindi mo na kailangang lumabas."
"Pero paano k.."
"Okay lang."
"Sige ikaw ang bahala."
"Oh ano na umpisahan mo na ang pagsasalita."
"Itchi nung mga panahon na nawala nalang akong bigla may nangyari"
"And?"
"Nahuli ang papa ko na nagbebenta ng illegal na droga. Kaya naman hinuli siya lahat ng ari arian namin nawala. Hindi na kaya ng pamilya ko na pagaralin pa ko sa mamahaling school kaya naman umuwi ako sa probinsiya namin para doon nalang magaral. Ang hirap ng buhay namin. Nawalan ako ng connection kasi pati cellphone ko nagawa ko ng ibenta sa hirap ng buhay namin. Walang wala na kami ni mama noon. Nakiki insert ako ng sim para matawagan kayo pero hindi ko nakayo macontact. Tumakas ako para puntahan kayo sa school pero wala na din kayo doon. Kaya nawalan na ko ng pagasa na makikita ko pa kayo. Hanggang sa isang oportunidad ang bumukas sa akin. Naginh scholar ako at nakarating muli sa manila. Habang naglalakad ako may nakita ako na kaklase natin dati kaya naman kinausap ko siya nagtanong tungkol sa inyo pero wala din. Hinanap ko kayo itchi maniwala ka. Sorry kung iniwan ko nalang kayo basta. Hindi ko naman hinihingi na patawarin mo ako. Ang gusto ko lang malaman mo ang dahilan ng pagkawala ko."
Hindi ko alam kung maniniwala ba ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Pero naawa ako sa kanya. Dapat ko ba siyang patawarin? Kung si Xian nga napatawad ko diba?
"Hindi mo alam kung gaano kasakit ang pakiramdam ng maiwan. Hindi mo alam kung ilang beses ko ng naranasan yan. Ang sakit sobra. Lalo na malalapit pa kayo sa buhay ko. Kotang kota na nga ako sa ganyang eksena e. Pero mas nanaig pa din yung pagkakaibigan natin. Kahit masakit. Deserve mo ba na bigyan ng isang pagkakataon para buuin lahat ng mga nasira mo? Willing ka ba na maging kaibigan ko ulit? Maipapangako mo ba na hindi mo naulit ako iiwan kasi. Pagod na ko ayoko na. Ayoko na ulit yung pakiramdam na maiwan kasi sobrang sakit."
"Talaga itchi? Oo pangako hindi na ulit kita iiwan. Thank you sobra. Speechless ako."
"Tama ba ang ginawa ko Xian?"
"Oo naman everyone deserve a second chance. And thank you for giving me one"
Nayakapan kami kasi sobrang miss ko na ang babae na to. Grabe ang bilis ko naman atang magpatawad. Wala e. Mahina talaga ako pagdating sa mga kaibigan talagang lumalambot agad ang puso ko sa kanila. Grabe dalawang tao na ang napatawad ko. Kaya naman mas lalong magiging masaya ang buhay ko ngayon kasi kasama ko na ang mga kaibigan ko.
"Tama na nga yan. Masisira ang make up ko."
"Hahaha."
"Oo nga pala nagaapply ka ng trabaho di ba?"
"Oo"
"Pero wala talaga kaming bakante."
"Kahit na ano please itchi"
"Tingin nga ng resume mo?"
"Oh eh tapos ka naman pala ng Business Administration. Okay maganda naman. Eh bakit lahit ano lang ang gusto mo? Eh kung magaapply ka sa iba tiyak pasok ka na agad."
"Alam mo itchi. Matagal ko ng gustong pumasok dito"
"Kahit na nalulu"
"Ano ka ba hindi to basta basta nalang malulugi. Saka ngayon pa na ikaw ang nagpapatakbo yiyak tataas ulit to"
"Sus. Bolera. Haay! Ano kaya. Sige ganito nalang. Okay lang ba sayo na tulungan mo nalang akong mapataas ang sales ng kumpanya. Babayaran naman kita kagaya ng sweldo nila. At dito din ang office mo sa akin. Sa lahat ng meeting na pupuntahan ko kasama kita? Parang magiging adviser kita? Tutulungan mo akong magisip ng mga pakulo para tumaas ang sales. Okay ba sayo yun?"
"Ano ka ba okay na okay! Sabi ko nga diba kahit janitor? Nako salamat talaga itchi. Sobrang salamat"
"Ano ka ba wala yun. At saka kung meron nga lang na posisyon bakit hindi e. Kaso wala talaga alam mo namana ng sitwasyon dito."
"Kaya yan."
"Sana nga. Oo ngal pala this is Xian bestfriend ko. Xian si Zumi"
"Ah hi Xian nice to meet you"
"Same to yoi Zumi"
"So paano magsimula na tayong tatlo"
"Pati ako?"
"Oo eh anong gagawin mo diyan? Tatanga di pwede yun ah."
"Nako. Masungit pala ang boss natin hahaha."
"Oo nga sige trabaho na tayo."
Ang sarap isipin na kasama kong nagtatrabaho mga kaibigan ko.
Ang saya. Talagang tama nga na bumalik ulit ako dito sa pilipinas kasi kung hindi? Hindi ko ulit sila makakasama. Hindi ko ulit mararamdaman ang ganitong kasayang pakiramdam.