CHAPTER FORTY FOUR

14 2 1
                                    

Ayun pagdating ko sa bahay inis na inis ako badtrip yung lalaki na yun.

"Oh ang aga mo ata."

"Ah lola manang eh wala naman po gusto ko lang sana na mauwi ng maaga"

"Ah o siya saan ka ba galing at mukang may pinamili ka."

"Ah sa mall po medyo nagpalamig lang po. Kaya lang mas lalo lang akong nainis. Saka nagcrave po kasi ako sa pizza at Crema kaya bumili ako ng ingredients."

"Oh eh bat nainis ka naman sa mall?"

"Sino po ang nainis sa mall?"

"Oh iho gising ka na pala. Amina yan at ako na magdadala sa kusina"

"Sige po. Salamat"

"Oh ang aga mo? Saka sino ang nainis?"

"Galing kasi ako sa mall magpapalamig sana ng ulo dahil kay natalie kaso may lalaking asungot kanina napakapakialamero sobra kainis kaya ayun imbis na maging okay nainis ako lalo."

"Irresistable kasi talaga ang ganda mo babe"

"Che! Ikaw talaga. Oh ikaw kamusta tulog mo?"

"Okay naman."

"Babe may sasabihin ako sayo pero mamaya na gutom na ko e. Kain muna tayo"

"Ikaw talaga sige na nga. Teka gusto mo ba na gumawa tayo ng-"
"Baby?"

"Baby ka diyan ikaw talaga kung ano ano ang iniisip mo."

"Hahaha joke lang yun babe. Kinabahan ka naman"

"Sinong hindi. Ikaw talaga tara na nga"

"Ano bang gagawin natin?"

"Tatanungin kita kung gusto mo na gumawa tayo ng pizza bumili kasi ako ng ingredients"

"Ah haha. Oo naman."

Kung ano ano ang iniisip jusko baby daw?

Habang hinihintay namin na maluto ang pizza na ginawa namin nagusap muna kami sa labas sa may tabi ng pool.

"Oh ano bang sasabihin mo?"

"Babe kailangan ko ng bumalik"

"Ha? Eh halos kakadating mo palang dito ah."

"Alam ko pero si dad kasi pinapabalik na niya ko"

"Hindi ba pwede na magextend ka pa?"

"Sinubukan ko na yun kaso ayaw niya e"

"Kailan ka na aalis?"

"May 1 week pa naman bago ako umalis"

"1 week?"

"Sorry babe"

"Wala naman akong magagawa kung yun ang gusto ng dad mo. Alam ko naman na ayaw niya sa akin e."

"Alam mong hindi totoo yan."

"Okay lang tanggap ko naman. Dahil ang iniisip niya makakagulo lang ako sa konsentrasyon mo sa trabaho. Makakasagabal lang ako kaya naman ayaw niya sa akin."

"Ba-"

"I understand. You don't need to explain"

"Tara na baka luto na yun gutom na din ako e."

Talagang hindi maganda ang araw na to. Puro nalang bad news haay. Malapit na din akong bumalik sa L.A magsisimula na ang school year Isang taon nalang at makakagraduate na ko. Ilang buwan nalang ang ilalagi ko dito kaya dapat maayos ko na ang kumpanya.

LMTYH❤ (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon