"Sorry itchi hindi ko naman gusto na sabihin yun."
"So all this time akala mo si micaela ako? kaya naman pala ang bait mo sa akin ganun ba?"
" hindi ganun yun naalala ko lang siya wag mo namang bigyan ng kahulugan yun saka aware ka naman na wala na kami di ba?"
"Alam ko. Pero hindi mo naman matatago na mahal mo pa din siya. Alam mo ba i hate comparing"
"Please stop this misunderstanding sorry okay! Ano bang kinagagalit mo yung pagkumpara ko siya sayo o yung mahal ko pa siya? You know what I didn't mean to say that. And I'm not comparing you to Micalela."
"Lokohin mo lelang mo. Psh. Tulog ka nga siya parin naiisip mo e."
"Hindi naman madaling makalimot. Halos ilang taon din kaming magkasama. Nahihirapan pa kong magadjust. Siyempre naiisip ko pa din siya."
"Pero sana lang wag mo kong itulad sa kanya kasi magkaiba kami."
Siya pa yung may ganang magalit? eh siya yung may kasalanan bahala siya sa buhay niya hanapin ko nalang si kira. Pabalik na ko sa bus hinintay ko nalang na makabalik silang lahat. nagpalipat din ako ng upuan sa kaklase ko na nasa may dulo nakaupo alam ko naman kasi na matagal na nyang crush tong si Vince kaya naman pumayag naman siya si kira kasi ayaw akong patabihin sa kanya. Buset tong babae na to. Pero nung paupo na siya sa dating upuan ko biglang bumaba ng bus tong si vince. ano nanaman kayang drama ng tao na to?
" Mr. Vince at saan mo balak pumunta?"
" kung hindi lang din si itchi ang makakatabi ko sa bus mas mabuti pa na bumaba nalang ako."
" hindi bat siya nga ang katabi mo sa upuan?"
Malakas na ba talaga ang tama ng tao na to? nakakahiya kaya ang ginawa niya. Kainis tong tao na to ang daming arte sa buhay gustong gusto ko ng makauwi sa bahay at sana hindi nalang talaga ako sumama. kinausap ako ng prof. namin ano pa bang magagawa ko? adi bumalik ako sa dati kong upuan at nung nakita na niya na nakabalik na ko saka siya umakyat muli sa bus iritang irita na talaga ko pabida talaga tong isa na to.
"sorry hindi ko gusto na sigawan ka kanina?"
hindi ko siya inimik.
"itchi ano bang gusto mong gawin ko para lang maniwala how sorry i am."
" wala kang dapat patunayan because in the first place i'm not definitely your girl. And ano naman ang pakialam ko kung nakamove on kana o hindi? do you think that i'm interested with your lovelife? Kaya kung gusto mo itext mo nalang si micaela and by the way stop pretending and stop being a nice guy"
"Ganyan ang tingin mo sa akin? na mapagpanggap akong tao? lahat ng pinapakita ko sayo totoo! ang hirap mong kumbinsihin na ganito talaga ako. Osige sabihin na natin na hindi maganda ang una nating pagkikita pero. Ang babaw lang para magkaganyan ka. Parang nasabi ko lang na ganito lasi ang gusto ni Micaela nagover reacting kana? Saka nagsorry na ko di ba? Amo pa bang kailangan kong gawin para mapaniwala kita na na hindi kita pinaglalaruan at niloloko?!"
Pwede ba wag kayong magsigawan dito. hindi niyo pagaari ang bus!
"Pero sige stop pretending? gusto mong malaman kung ano talaga ako? naaawa lang naman ako sayo kaya kita sinasamahan. Sa totoo lang buwisit na buwist talaga ko sayo. Tumingin ka nga sa salamin? hindi ganyang klaseng babae ang type ko. Ano yun nagseselos ka ba kaya ka nagkakaganyan? Ano nahuhulog na ba ang loob mo sa akin? Sorry to say dear ngayon palang busted kana. Kaya kung magiilusyon ka diyan na baka magustuhan din kita kagaya ni Micaela in your dreams. Ano satisfied?"
Bigla nalang may tumulo na mainit na likido mula sa mga mata ko. Hindi ko akalain na masasabi niya ang ganung mga salita direkta mismo sa mga mata ko. Nasa amin na ngayon ang atensiyon ng lahat ng tao sa bus. May mga tumatawa may mga nashock at may mga taong walang pakialam sobrang kahihiyan ang binigay niya sakin sobrang pangmamaliit ang sinabi niya hindi ko matanggap na yun talaga ang ugali niya. akala ko mabait siya akala ko hindi siya kagaya ng iba pero pareho lang sila pare pareho lang silang mga lalaki nasa loob lang ang kulo nila. Hiyang hiya na ko wala na kong mukang maihaharap pagkatapos ng lahat ng sinabi niya feeling ko ako na ang pinakapangit na tao sa mundo. Umaandar pa yung bus ng tumayo ako sabay hablot sa bag ko tumayo ako kahit ba pagewang gewang ako ng lakad. Nung makarating ako sa may harap sabi ko sa driver ibaba na niya ako. Hindi naman ako nabigo pinigilan ako pero wala silang nagawa. Nakatingin lang ang mga kaklase ko sa pagbaba ko tapos si kira naman hinahabol ako pero hindi din ako nagpapigil sa kanya. Simula noon ang paglalakad ko ng nakayuko palayo sa impiyernong sasakyan nayun na nagdulot ng labis na sama ng loob. Tumakbo ako tumakbo ako hanggang sa mapagod ang mga paa ko nahinto ako sa isang madilim na playground naupo ako sa swing at saka umiyak ng malakas na malakas. Ang sakit parang tinutusok ang puso sa mga salita na paulit ulit na naririnig ko sa utak ko. Pero bakit nga ba apektado ako ng ganito? Mahal ko na ba siya? Pero ilang 1 week palang naman kaming nagkakasama ah. Imposible naman na mahal ko na agad siya. Pero ang sakit talaga. Napakawalanghiya. Sinabi na nga ba na nasa loob lang ang kulo niya. Buwiset siya. Nakakainis. I hate you vince.
"Vince anong karapatan mo na pagsalitaan ng ganung mga salita si Itchi?"
"Kira hindi ko intensiyon na sabihin yun. Kasi naman ang"
"Kahit pa. You hurt her. Damn Vince how could you? Boto pa naman ako sayo pero mukang nagkamali din ako. Paki hinto po ang sasakyan. Bababa ako."
"Bakit magkaano ano ba kayo ni itchi?"
"Wala"
"Wala? i don't think so. Hindi naman siya magrereact ng ganun kung wala lang."
"Hindi ko siya gusto. Gusto ko lang siyang maging kaibigan. Nothing more"
Nakauwi ako sa bahay tinawagan ko ang driver namin buti nalang safe ako dito kasi walang gaanong dumadaan at walang masyadong nakakakita sa akin malas din kasi umulan bigla kanina. Buti nalang alam ko ang lugar na to kasi around Manila lang naman ang tour. Nung makauwi ako basang basa ako mukang magkakasakit ako kaya inalagaan ako ni yaya. Binigyan niya ko ng gamot kasabay noon ang sobrang kapaguran ko kaya naman nakatulog ako pero hanggang sa panaginip ko paulit ulit kong nakikita ang mga nangyari kanina sobrang sakit hindi ko matanggap. OA ba ko? Siguro nga gusto ko na siya kasi nasaktan ako sa mga sinabi niya e. Hindi ko naman na sana papalakihin yung usapan na yun pero siya ang nagsimula. Tinawagan ako ni Kira pero hindi ko siya sinasagot. Hindi na ko nakapasok pagkatapos ng tour kasi naospital ako sobrang taas ng lagnat at stress kaya naman ilang araw akong lumagi sa ospital nung nalaman ni mommy na naospital ako nakita ko sa muka niya ang pagaalala akala ko hindi niya ko mahal pero mali ako doon nagkapatawaran na din kami hindi daw totoo na ako yung may kasalanan sa pagkamatay ng dapat na kuya ko. Simula ng pangyayari na yun naging mabait na sa akin si Mommy kahit papaano may magandang naidulot din naman pala ang mga nangyari. Sinabi sa akin ni mommy na isasama na niya ako sa L.A doon na daw ako magaral gusto daw niyang makabawi sa lahat ng pagkukulang niya sakin nagisip muna ko kasi ayaw kong iwan sila sa ere kasi President ako at marami ang nakaasa sa akin. At isa pa next week na ang school featival paano na yung plano namin? Parang ang babaw nga ng pinagawayan namin kainis feeling ko naman magjowa kami e hindi naman. Haay! Bahala na nga gusto ding makasama si mommy kaya naman sumama na ako sa kanya walang ng ayos ayos at paapaalam sa mga kaibigan ko si kira tatawagan ko nalang siya. Kakalimutan ko na ang lahat ng pangit na pangyayari sa buhay ko dito. OA na nga ako kasi aalis ako baka isipin nila na nabitter ako pero wala akong pakialam. Bahala sila kung ano ang gusto nilang isipin. Basta sa tingin ko iyo ang tamang gawin.
"Narinig niyo ba wala na daw si itchi dito"
"Balita nga kanina yan sa office"
"Haha hindi siguro natanggap yung nagyari noon"
"oo nga haha"
Hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko. Hindi ko alam na masasaktan ko siya ng ganito ang babaw lang kasi ng pinagawayan namin tapos nagkainitan na bigla? Hindi ko libos na magagawa kong sabihin ang lahat ng kasinungalingan na yun sa kanya. Oo aaminin ko na mahal ko pa din si Micaela pero unti unti na yung nawawala dahil kay itchi ang weird nga kasi 1 week palang kaming magkakilala pero feeling ko matagal na. Bakit kasi ang hirap niyang paniwalain hirap siyang pagkatiwalaan ako? bakit? bakit hindi niya maramdaman na gusto ko na siya kahit isang palang? bakit lahat ng sinasabi ko kinikilos ko may duda siya? Ngayon na wala na siya paano na ako? Palagi nalang ba kong masasaktan? Ganun ba ko kasama para iwan ako lahat ng taong mahal ko?
Tinanong ko si kira kung saan nagpunta si itchi pero pati nagulat ng umalis siya. Eto ako ngayon tulala. Iniisip ko kung paano kaya kung hindi ako inunahan ng galit? Aalis kaya siya? Naiinis talaga ako sa sarili ko. Hindi ko nga alam kung babalik pa siya e. Sinayang ko ang pagkakataon. Ang tanga mo Vince. Pero kahit anong mangyari tuloy ang buhay. Siguro talagang nakatadhana na maging ganito ang buhay pagibig ko.Babalik ka pa kaya?
@PinkRibbonXXX
Vote and Comment!
Thankyou :)