Grabe talaga nangyari sa akin ngayong araw na to ngayon ko lang naramdaman yung ganitong pakiramdam na naubos lahat ng energy ko kanina at yung mga pangyayaring yun ayoko ng maulit pa kasalanan to lahat ng magaling na vince na yun yung mga mukang lupa niyang fans pagbabayaran nilang lahat to. Sa ngayon tama na ang pagiisip tungkol sa nangyari kanina sobrang pagod ako at gutom gusto ko nalang magpahinga at matulog.
" Iha?"
"pasok bukas po ang pinto"
"eto dinalan kita ng pagkain siguradong hindi ka pa kumakain at alam ko din nagutom na gutom ka na at hindi mo matatanggihan kapag ako ang nagdala nito sayo"
"Oo naman hindi ko yan matatanggihan pagkain kaya yan paano niyo po nalaman?"
"Secret O siya kumain ka na pag katapos mo maghilamos kana at magpahinga mukang pagod na pagod ka"
"salamat po opo sobrang pagod po ako ngayong araw"
"Sige kumain kana at magpahinga wag mong kalimutang inumin yang gatas mo"
"opo salamat ng marami"
"Buti pa si manang mahal na mahal ako."
"Sir dadating po pala kayo hindi niyo sinabi agad? Kumain na po ba kayo?"
"Oo manang wag ka ng magabala pa pwede ka ng magpahinga. Nga pala ang baby ko nasaan?"
"Nasa kwarto po sir"
"Sige salamat puntahan ko nalang siya"
knock! knock! knock!
"Baby gising ka pa?"
"ang anak ko , pagpasensiyahan mo na kami ng mommy mo dahil hindi ka na namin naasikaso alam mo naman na busy sa trabaho kasi para din yun sayo. Ikaw lang ang nagiisa naming princess at andito lang kami lagi sa tabi mo. Hindi ka man namin ganun naaasikaso wag mo sana isipin na hindi ka na namin mahal dahil mahal na mahal ka namin sorry baby alam o naman na balang araw aiintindihan mo din kami. Goodnight Baby :* mahal na mahal ka namin ng mommy mo yan ang lagi mong tatandaan"
Pakiramdam ko nandito di daddy kagabi? ang weird kasi paggising ko parang galing ako sa iyak pero wala naman akong maalala. Di bale na nga papasok na ako sa school.
"Good morning Babes"
"Anong babes ka diyan kadiri ka naman kira "
" luhhh? anong kadiri dun itchi uso kaya yung mga ganung tawagan ngayon bebe babe babes mahal kahit girl to girl pwede magtawagan ng ganun grabe ka old fashion ka talaga hindi na yun maipagkakaila."
"Kapag hindi alam old fashion agad grabe ka kira naturingan pa naman kitang bestfriend tapos ganyan ka sa akin"
"Tama na nga magaaway lang tayo dahil sa tawagan na yan tara na pumasok na tayo sa room"
"buti alam mo"
"Loko ka talaga kala ko seryoso ka hindi naman pala "
"Aray ah masakit din yun "
"buti nga sayo gaga ka kasi mga kadramahan moo!"
Discussion 1.2
"Sa wakas natapos din ang nakakaboring na klase grabe talaga yang si Mrs. Sanchez kahit kailan walang kabuhay buhay magdiscussed nakakaantok tara makakain nalang gutom na ako"
"kailan ka ba sinipag kay Mrs.Sanchez"
Canteen.
"Alam mo ba palagi na raw pumapasok si vincent kagwapo talaga niya" student 1
"Talaga at saka ang balita pa lumipat na ng school si micaela" student 2
"Ay ganun bakit kaya siguro sinundan niya yung bago niyang boyfriend"
"Baka nga ang lakas naman niyang ipagpalit si vincent sa iba jackpot na nga siya doon tapos ganun lang grabe pala talaga yung micaela"
"Nagmakaawa pa nga daw si vincent na wag siyang hiwalayan nakaluhod pa siya tapos hindi lang siya kinibo tapos bigla daw tumakbo yung babae at hinayaan na nakaluhod si vincent tapos ang nangyari pa umulan ayun basang basa tuloy si vincent grabe talaga hindi man lang niya binalikan"
"pero ngayon hindi siya nakapasok dahil nga sa nagyari kahapon nga lang yun nangyari kawawa talaga ayun nagkasakit tuloy si vincent"
"Ay grabe itchi narinig mo ba yun ganun pala mag mahal si vince."
"Paano mo naman nalaman na si Vince yun? eh vincent nga ang sabi"
" shunga vincent totoo niyang panagalan palayaw lang ang vince ano ba naman itchi makibalita ka naman kasi wala kang kaalam alam"
"Di ko siya pagaaksayahan ng oras tara na nga kumain na tayo hayaan mo na siya karma strikes .."
" sama mo naman"
"Hindi ako masama"
"Aray magiingat ka naman kasi tumingin ka sa dinadaanan mo Freak!"
"sorry miss di ko sinasadya sorry talaga "
"may magagawa bayang sorry mo wala naman di ba kaya umalis ka nga lang diyan idiot"
" diba si ethan yun?"
" ethan"
" huh? ah ikaw pala itchi"
" sabi ko na ikaw yan anong nangyari?"
" ah wala naman nabunggo ko kasi hindi ko napansin."
" nagsorry ka naman di ba? taray talaga nung babae na yun."
" oo nga eh hayaan mo na kakain ba kayo tara sabay sabay na tayo para mapagusapan na natin yung kahapon :)
" sige "
"OP ako sa inyo Guys!"
" Ikaw maoop? parang imposible yan kira"
"Siya nga pala ethan meet kira. Kira meet Ethan"
"Hi nice to meet you!"
"Same here!"
"Okay so anong plano mo?"
"Magsusumbong ka ba?"
"Hindi ko nga alam eh"
Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko kasi naman. Ngayon lang may gumawa sa akin ng ganun kaya hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Haay! ano ba ang nararapat gawin.