Natulog. Gumising. Natulog. Gumising.
Letche. Di ako makatulog bakit ba iritang irita ako. Haay. Ano ba talagang nagyayari sa akin?
5am.
Umaga na pero parang wala naman akong naging tulog. Zombie nanaman ako. Buong gabi siya lang ang nakikita ko.
Bumaba ako ng kwarto. Makapagjogging na nga lang muna tutal.maaga pa naman at di na ko makatulog. Habang nagjojogging ako ang daming pumapasok sa isip ko. Lahat ng mga naiwan ko dito unti unting bumabalik. Ang dami kong tanong. Kung anong nagyari sa school? Sa mga classmate ko? Sa event na dapat responsibilidad ko? Andaming kong sinakripisyo sa totoo lang masaya naman talaga ko dito not until nagkaletcheletche ang buhay ko.
Calling Zumi....
Si Zumi?
"Hello?"
"Buti gising kana."
"Hindi tulog pa ko."
"Nah! Agang kapilosopohan yan ah. Ang init naman ata ng ulo mo. Ang aga aga e."
"Zumi straight to the point"
"Okay okay! Naaga yung meeting mo kay Mr. Tan."
"What?"
"Bakit di-"
"Kasi sabi ko ako na ang tatawag sayo kakatawag lang daw niya kanina kanina lang."
"Tsk. Mga di marunong tumupad sa usapan. Anong oras naman daw?"
"9am"
"Okay. Thanks!"
"Okay get ready. Alam kong makukuha natin to."
"Yeah!"
Naging iritable na din ako kay Zumi? Tsk.
Umuwi na ko sa bahay kailangan ko ng maghanda.
Nagawa ko na ang mga dapat kong gawin. Wala pa naman ako sa mood makipagusap ngayon. Kainis talaga yung mga taong pabago bago ng isip paano nalang pala kung may meeting ako sa iba ngayon? Tsk.
Calling Kira...
"Itchiii!"
"Kira naman ang agang sigaw naman yan."
"Hahaha namiss lang kita. Di na kasi tayo nakakapagkita at usap."
"Malamang nagaaral ka kaya."
"Eh kahit na no."
"Oh napatawag ka?"
"May gagawin ka ngayon?"
"Oo e. May meeting ako sa investor why?"
"Ay ganun? Sayang aayain sana kitang maglibot ngayon e."
"Wrong timing next time nalang."
"Oo nga mukang si Calvin nanaman ang makakasama ko."
"Si Xian pa."
"Eh isa pang busy yun e."
"Ayaw mo nun. Masosolo mo si Vin."
"Duh?"
"Uhuy! Ang choosy ah."
"Di naman. Sige na nga tawag nalang ulit ako byeeee!"
"Okay."
Ilang months lang ako dito pero hindi man lang ako makapagenjoy. Puro trabaho sabagay eto naman talaga ang ipinunta ko dito. Haay!
Office..
"Good Morning Miss"
"Good morning"