Sino naman kaya tong tumatawag. Tsk! Well i don't talk to someone i didn't know. So dedma lang. Maya maya tumatawag ulit. For the second time dedma. Dahil hindi ko sinasagot nagtext nalang siya.
From Unknown number:
Good evening Mitch. Nasa Pilipinas ka na ba? Nagring na kasi last time na tinatry kitang tawagan hindi e. So probably andito ka na. Text me if your already here. I miss you so much.
Huh? Sino last time kasi madami na ding tumatawag sa akin ng Mitch. Di nga pala ko nagpalit ng sim. Sino kaya to? Should i call him back? O replyan ko nalang? Hay. Wag na nga saka nalang. Ng tiningnan ko yung oras.
"Hala. It's already 9 pm. Si Kira."
ang bilis naman ng oras parang kanina lang kausap o si Zumi tapos gabi na pala? weird. So nagmadali akong bumaba sa office. Medyo malayo din kasi ang bahay nila mula sa office.
After 1hr and 30 mins.
Calling Kira..
"Hello?"
"Where the heck are you? I'm starving!"
"Sorry. Nandito na ko sa labas. You can come out."
"Hay nako. Ililibre mo ko pinaghintay mo kaya ako."
"I will think about it. Baba ka na. Bye!"
After a few minutes...
"Tagal mo."
"Sorry na."
"It's already 10 pm."
"Okay lang yan. Late dinner? Hahaha anyway i miss youuu!"
"Yah! So clingy."
"Arte dati naman-"
"Dati yun no. Hahaha anyway i miss you moreee! Where's my chocolates?"
"Parang mas excited ka pa sa chocolate kaysa sa akin."
"Hay nako itchi cut your dramas."
"Fine. San tayo?"
"Sa fav. Restaurant nalang natin."
"Okay!"
"So how's Vin?"
"Duh? Vin agad? Mukang na miss mo pa siya kaysa sa akin ah."
"Hahaha OA"
"But to answer your question. Andon sa kanila nagpapakasasa sa bago niyang kama."
"What?"
"Bumili siya ng bagong kama. Jusme mukang tanga. Gusto daw niya ng quality time sa kama niya. Sobrang lambot daw kasi tapos inaakit daw siya lagi mahiga. Nako magsama sila ng kama niya. Letche siya."
"Hahaha. Pati ba naman kama pagseselosan mo? Hahaha"
"Aba mas pinili pa niya yon kaysa ang makasama ako. Bahala siya."
"Hahaha parang bata"
"BATA? Hay nako Itchi wag mo kong umpisahan naiinis lang ako lalo. Wag na nga natin pagusapan ang hinayupak na yon. Nababadtrip lang ako."
"Fineee! Kamusta sila Tita?"
"Okay lang naman sila. Ayun nasa bakasyon. Sarap buhay. Samantalang yung anak nila nagpapakasasa sa trabaho."
"Hahaha. Dami mong reklamo its about time to give them what they deserve."
"Ewan. Anyway kamusta yung company mo?"
"Ah okay naman. Pero marami pang ring kailangan asikasuhin."
"Atleast. Nakakapagod magtrabaho gusto ko nalang magaral ulit."