Nagising ako kasi naman bigla akong nauhaw. Kaya naman kumuha ko ng sa kusina. Tapos hindi ko naiwasan na tumingin sa kanya.
"Ayan ang yabang kasi sanay palang matulog ng nakahubad ah. Pero balot na balot naman. Tsk."
Pabalik na ko sa kama ko ng makita ko na parang nanginginig siya.
Baka naman nananaginip lang.
Kaya bumalik na ko at natulog ulit. Kaya lang di naman ako makatulog di ako mapakali. Kaya tumayo ako at binuksan ang mga ilaw. Tiningnan ko yung orasan. 2 palang ang aga pa. Kaya napagdesisyunan ko na manood nalang. Meron pa namang sigurong palabas di ba?Hanggang sa di talaga ko mapakali tingin ako ng tingin sa kanya. Parang ang OA naman humawak ng kumot. Wala na ngang aircon nilalamig pa siya? kumuha ako ng chips sa shelves nitong hotel. Ang sosyal dito ah.
Maya maya inaantok na ko kaya napagdesisyunan ko na matulog na ulit pero OA talaga ang pagkanginig ni Vince kaya nilapitan ko na.
"Ang OA ah. Tsk. Ang yabang mo kasi may nalalaman ka pang sanay kang matulog ng nakahubad tinganan mo ginaw na ginaw ka ngayon. Tsk."
Nilapitan ko siya. Nakatalukbong kasi siya kaya inalis ko nakita ko na namumutla na siya. Grabe ano bang nangyayari sa kanya. Kaya naman pinaderetso ko siya ng higa. Grabe ang init niya. Ghad! Anong gagawin ko? Ano bang ginagawa ka pag may lagnat? Ayan ang yabang kasi kainis naman.
Kumuha ako ng maligamgam na tubig ang towel pinunasan ko siya parang nagdedeliryo na ata to. Jusme. Ang taas ng lagnat. Dalin ko na kaya sa hospital? Kasi malakas pa ang ulan. Pinunasan ko siya binantayan ko siya at nagdasal na bumaba na ang lagnat niya.
Tiningnan ko ang oras 5 am na pero may lagnat pa din siya. Antok na antok talaga ko kaya naman umidlio muna ko pagkatapos kong palitan ang towel sa noo niya.
Nagising ako ng may humipo sa may ulo ko.
"Bakit diyan ka natulog? Saka bakit mat towel ako sa noo?"
"Tsk. Dahil yan sa kayabangan mo. Tingnan ko nga?"
"Haay! May lagnat ka pa din."
"Ako?"
"Hindi ako? Kakasabi ko lang na ikaw di ba?"
"Sorry okay naman na ko "
"Anong okay maglagnat ka pa nga e. Teka oorder lang ako ng pagkain."
"Wag na ako nalang."
"Pwede ba wag kakasing mayabang. Nakakainis. Ako na nga di ba? Feeling mo kasi ikaw si superman."
Nagorder na ko ng pagkain. Tapoa naghanap ako ng gamot paa maipainom sa kanya.
"Oh kumain ka na. Tapos inumin mo na to"
Dingdong.
Agad kong binuksana ng pinto.
"Maam eto na po ang damit niyo. Dito din po ba si sir Vince?"
"Ah thank you. Sige ako na magbibigay sa kanya"
"Sige maam thank you"
"Thank you din"
"Oh damit mo."
"Salamat."
"Bakit ayaw mo pang kumain?"
"Eto na nga kakain na."
"Tsk. Puro kasi hangin sa katawan."
Naligo na ko kasi balak ko ng umuwi. Ayoko ng magtagal kasama tong si vince. Paglabas ko ng CR nakita ko na di pa din siya kumakain.