Si Liza baka dahil sa office si Zumi naman baka mangangamusta lang si Xian? Baka mangaasar pikon kanina e. Si Mommy naman baka mangangamusta lang din baka nabalitaan na nila ni Daddy na medyo umaahon na yung kumpaniya at Unknown? Sino naman to.
"Huy!"
"Ay kabayo!"
"Hahahaha"
"Tumawa ka pa talaga ah."
"Sorry na babe. Ang seryoso kasi ng muka mo diyan e. Bakit may nangyari ba?"
"Wala naman wait lang may tatawagan lang ako."
"Okay nood lang ako ng tv sa baba."
"Sige sunod ako."
I try to call Liza...
"Hello?"
"Miss. Napatawag po ako kanina kasi po yung meeting niyo po about Mrs. Dela Fuente is cancelled. My out of town trip daw po siya with her family"
"Ah okay. Ikaw na bahalang magset ng date kung kailan kami parehas na available."
"Okay po."
"Thanks Liza"
Tama ako tungkol nga sa work kaya tumawag si Liza. Next is Zumi...
"Itchi."
"How are you?"
"I'm okay"
"Talaga buti naman. Mangangamusta lang naman ako kaya ako napatawag kanina kaso di mo nasagot kaya iniisp ko na baka nagpapahinga ka pa."
"Nakatulog kasi ako kanina. Kaya di ko nasagot."
"Okay lang atleast alam ko na na okay ka lang. Sige may aasikasuhin lang ako."
"Okay bye."
Tama ulit ako na mangangamusta lang si Zumi. Next si Xian...
"Mitch. Kainis ka talaga kanina sayang yung bebot napahiya tuloy ako."
"Hahaha. Hindi ko naman kasalanan na bukas zipper mo ah. Pasalamat ka nga sinabi ko pa e. Kung hindi nakita pa niya. Mas nakakahiya kaya yun."
"Nagtthank you pa ko sayo?"
"No need. Hahahaha."
"Pero yung nalaman mo kanina sa atin nalang yun ah. Wag mo ng ipagsabi sa iba okay"
"Okay! Ako pa ba? Hahaha"
"Sige gagayak lang ako pauwi na ko e."
"Sige ingat sa pagdrive ah."
"Okay! Thanks! Bye."
Calling Mommy...
"Baby"
Haay! Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na okay na kami ni mom. Nakakatuwa ang sarap pala sa pakiramdam.
"Yes po."
"Di mo sinagot tawag ko kanina."
"Sorry. Nakatulog po ako e."
"I heard na tumaas ang sales. So proud of you."
"Thanks mom. Pero kulang pa po. Kailangan maibalik pa rin yung dati or dapat malagpasan pa. Dami pang gagawin and nakikipagmeetings pa po ako sa mga pwedeng mag invest sa atin kaya sana makuha ko sila para tuluyan ng maibangon yung company."
"But remember. Do not over work. You also need to rest."
"Okay mom"
"I miss you already."