05

2.6K 151 40
                                    

"Late ka nanaman! Nasaan ka na?!"

"Ito na nga! Pababa na ng sasakyan, saan kayo banda ba?" Tanong ko sa kabilang linya pagsara ng pinto ng kotse ko.

"Basta pumasok ka na lang!"

Hindi na ako nakasagot nang babaan ako ng tawag ni Knox. Wala tuloy akong nagawa kundi pumasok na lang sa Hq.

It's Conrad's 19th birthday, and that fucker rented the whole big-ass club. Lahat ba naman kasi ng kilala ininvite, eh lahat naman ata kilala niya.

Ang daming taong bumungad sa 'kin, para akong sinuntok ng pinaghalong amoy ng mga tao at alak. Imposible rin na mahanap ko sila Knox kaya lumapit na lang ako sa unang taong nakita kong kilala ko, sina Liam.

Puta, babatiin ko pa lang siya- inabutan na agad ako ng baso! Syempre ininom ko naman.

"Have you seen Conrad?" I asked, shouting. Malakas masyado yung tugtog eh. "The birthday boy's everywhere, Ian. Mamaya mo na batiin." Natatawang sagot nito sa 'kin.

Napailing na lang ako dahil obvious namang may tama na siya. This time, si Yael naman nag-abot ng baso sa 'kin. I asked Aqui for a chaser but that fucker gave me a glass of vodka too.

Mas mahirap pala kasama sa inuman ang tropahan nila! Ang bilis kong nagka-tama.

Next thing I know, they pulled me towards the dance floor with them. Hindi na ako pumalag. Hindi pa naman ako gaanong lasing pero kaya ko na makipagsabayan sa kalasingan nila.

Naaninag ko si Conrad na sumasayaw rin. Naglakad ako papunta sa kaniya pero nawala na agad siya, nalunod na sa crowd. Hindi na rin ako nakabalik kina Liam, hindi ko na rin sila mahanap.

May mga bumati sa 'kin, inaalok ako ng alak. Mga kaibigan ni Conrad na isang beses ko pa lang ata nakita o nakasama, hindi tuloy ako nakatanggi kasi nakakahiya. Parang ako pa may birthday! It feels like everyone's drunk already and they're trying to get me drunk with them.

Nang tuluyan na akong makaramdam ng hilo, lumayo na ako. I went to the bar area to rest for a sec, hindi ko pa rin alam kung nasaan ang mesa nila Knox eh.

"One Mai Tai, thank you."

Sa sobrang ingay ng paligid, bakit kailangan marinig ko pa ang boses na 'yon?

Naiirita ako.

Still, nilingon ko ang may-ari ng boses. Raizen asked for a drink from the bartender not too far away from me. Did he even notice I'm here? Doubt that.

Yung t-shirt niya na hiniram ko two weeks ago, nasa 'kin pa rin. Kailan ko kaya mababalik 'yon? Baka nakalimutan na niya.

Wala sa sarili akong tumayo at lumapit. I hate him but I still approached him, why? Hindi ko alam. Pwede ko namang sisihin ang alak anytime.

"Hi," I smiled, which is obviously forced, trying to mock him. Saglit niya akong nilingon at nginitian din ng sarkastiko, pero hindi siya nagsalita. "I forgot to return your shirt."

"I forgot about that shirt." Nagsalita rin!

Dahan-dahan akong tumango bago sumandal sa mesa ng bar, "So, can I keep it then?"

His gaze on me linger longer this time. Hindi ko maaninag ang expression ng mukha niya, pero alam kong nakatingin siya sa mga mata ko. Binabasa ba niya ako? I'm too drunk to care, too drunk to express the message I want to convey, too drunk to read him back.

"Mas nagulat pa ako na hindi mo pa 'yon tinatapon."

"What? Your shirt?"

"Yes, you hate me enough to throw it away."

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon