Sinubukan ko gawin yung Adobong recipe ni Archer, kaso hindi ko talaga kaya. Sobrang alat, gago?! Lalo pa ma-turn off sa 'kin niyan si Raizen eh.
Iniwan ko na yung adobo sa kusina. Nag-order ako ng Mang Inasal, may sarili naman akong chicken oil dito kaya pwede na 'yon. Ang lakas kasi ng loob mag-aya ng lunch sa condo, feeling house husband ba naman.
Agad akong tumakbo sa pinto nang may marinig na nag-doorbell. Yung inorder ko na ata 'yon.
"Mukhang masarap 'to." Nakangising bungad sa 'kin ni Conrad. Hawak na niya yung plastic ng Mang Inasal. Hindi talaga mawawala mga kontrabida eh.
Hinablot ko agad yung plastic sa kaniya, "Binayaran mo na 'to? Salamat!"
Hindi ko na siya hinintay sumagot at sinarhan ng pinto. Mabilis akong tumakbo sa kusina para i-prepare ang pagkain. Ang kaso lang, alam nga pala ni Conrad yung passcode ng unit ko. Lord! Bigyan mo ako ng mahabang pasensya!
"You're going to eat everything? On your own? Fuck you, dude, pahingi ako." Akmang kukuha pa siya ng manok pero tinadyakan ko siya sa pwet kaya napaatras siya.
Conrad glared at me but I ignored him. Dapat mapatalsik ko 'to sa unit ko bago dumating baby ko. Para siyang batang nagta-tantrums dahil padabog siyang naupo sa stool, pero hindi na siya nagpilit kumuha ng manok.
"Bakit ba nandito ka? Wala ka ba gustong gawing kabalastugan? Tanghaling tapat oh."
"Meron,"
"Oh, gawin mo."
"How? Inutusan ni Archer si Knox butasin gulong ng sasakyan ko."
Natawa ako sa narinig. Very Archer. Parang tatay na ni Conrad 'yon eh, si Knox naman pagod na mag-alala sa hayop na 'to. 'Kala kasi niya may respawn buhay niya.
"Bahala ka sa buhay mo, basta umalis ka rito." Hinila ko siya patayo at tinulak papunta sa may pinto, pumapalag pa siya pero mas malakas ako.
Pagkalabas, binawi niya yung braso niya mula sa 'kin at pinakyu ako. "Ulul, madamot-"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang sabay kaming may naaninag sa hallway. Shit. Si Raizen.
Nakaputing shirt siya at black na shorts habang nakapamulsa. Nakatigil ito at salitan ang tingin sa 'min ni Conrad. Timing nga naman!
"Serrano?" Conrad frowned, "Pipilitin mo nanaman ba ako makipag-race? I already told you-"
Bago pa matapos ni Conrad ang sasabihin niya, binatukan ko na siya kaya masama nanaman ang tingin niya sa 'kin. "26th floor tapos sa tingin mo ikaw yung pinuntahan? Tanga." Saad ko.
"Alangang ikaw? Close kayo?"
Ngiti ang sinagot ko bago tumingin kay Raizen. Deretso rin ang tingin niya sa 'kin pero wala man lang emosyon. It's hard to read him this time. Ang galing itago ng emosyon 'pag may ibang kaharap.
"Medyo?" I replied unsure.
Conrad's obviously confused, but he chose to face Raizen- as if he's waiting for his answer. Ako yung tropa pero sa 'kin walang tiwala ang gago.
"I'm just here to hang out."
Call it whatever he wants, I'll call it whatever I want. And for me, this is a 'friendly' date.
Aw? Pareho lang ba 'yon sa hang out? Hindi ko alam. Hirap naman kasi 'pag hindi kayo same page. Naaawa na ako sa sarili ko ah.
"Really? Sali ako-"