26

10.1K 461 302
                                    

"Someone's glowing!"

Boses agad ni Knox ang nangibabaw pagpasok ko ng bilyaran. Nakakahiya si tanga, buti wala masyadong tao.

"Oo nga, ang linis mo tignan ah? Naka-tatlong ligo ka ba today?" Pangangasar pa ni Conrad paglapit ko sa kanila.

Naupo ako sa gilid para lang panoorin sila maglaro at hindi pinansin mga pinagsasabi nila. Nandito lang naman ako para pumatay ng oras, two hours vacant ko eh.

"May sugat yung labi, pre." Bulong ni Conrad kay Knox pero rinig ko naman. Bigyan ko kaya siya ng mic, iaannounce niya sa mundo?

Tinaasan ko ng kilay si Knox na tumingin sa 'kin. "Medyo fresh na hindi, pusta ko kagabi lang 'yan." Bulong pa niya pabalik.

I unconsciously licked my lower lip. It was indeed fresh. Hindi dumugo labi ko kagabi pero nagsugat at mahapdi, and I like that kind of remembrance.

I may be a virgin but that wasn't my first kiss— ilang experience na mayroon ako pagdating saa gano'n. I'm not sure how Raizen made me feel like it was my first, hindi kaya ako nakatulog kagabi kakaisip.

'Kakaisip' in a good way. I remembered smiling nonstop last night, acting like a high schooler because of his first crush or something.

Raizen wanted it as much as I did, I just knew it. It felt long overdue, so when it finally happened, it just happened. Nakakabaliw.

Who would've thought I would love kissing a man? I guess there's more to find out.

"Have you lost your virginity last night too, Ian?"

Conrad's question made me stifle a laugh, "How I wish."

Tumawa sila pareho at nag-apir pa, mga lintek na tuwang-tuwa sa 'kin. I was joking though, I wasn't expecting anything from last night. Parang masyadong maaga pa.

Habang tumitira si Conrad, naupo sa tabi ko si Knox at nagsindi ng cig. "Please tell me it was Raizen."

Halos 'di ko naintindihan yung sinabi niya dahil sa sigarilyo sa bibig, pero sinadya niya ata 'yon para 'di gaanong marinig ni Conrad.

"Who else?"

Napailing siya sa narinig pero ang lawak ng ngiti, tinapik pa ako sa balikat na parang proud tatay lang. Sabagay, dami rin niyang naambag. Kunin ko 'tong best man ko kapag—

Hinalikan lang ako ni Raizen, naghanap na agad ako ng best man?! Hibang!




xx
Ayi
07:23 pm


Alex:

san k ya


Ayi:

Why would I tell you


Alex:

kc tinanong q ??
duh.gif


Ayi:

I'm busy


Alex:

ok busy, nasan k


Ayi:

UGH
You're naturally annoying
That's a talent


How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon