"Pre, I'm obsessed." Agad kong sabi pagpasok ko ng unit ni Knox.
Nasa may kusina siya at dumungaw sa 'kin, "Baka you mean possessed? Bakit nahulaan mo nanaman passcode ng unit ko 'oy?"
Kasalanan ko ba na laging birthday niya ginagawa niyang passcode? Shinushuffle lang eh, daling hulaan.
I ignored what he said and made myself comfortable on his couch, "Mag-iisang linggo pa lang since I last saw Raizen pero gusto ko na siya ulit makita. Ang problema lang, wala akong excuse."
"You are, indeed, obsessed." Sagot ni Knox paglabas ng kusina na may dalang plato ng mansanas.
"Tangina, seryoso ka ba talaga diyan kay Raizen? Final na?" He asked, sitting beside me. Why is that even a question?
I took a piece of a sliced apple, "Why?"
Knox shrugged, "Ang bilis lang, hindi pa rin ako makapaniwala. Ang bilis mo siyang pagka-interesan, ang bilis mo siya maka-close, ang bilis mo magustuhan, ang bilis mo tanggapin. Ang bilis lahat."
Walang akong naintindihan sa sinabi niya except sa 'ang bilis'. Though I got his point. I was about to agree but he said something more.
"Kaya alam mo ending niyan? Mabilis din mawawala."
Napasimangot ako. Ito, siraulo talaga. Basher! I wanted to argue but I chose not to. What he said has no guarantee, but the opposite of what he said has no guarantee either.
Imbes na ang iniisip ko lang ay gumawa ng excuse para makipagkita kay Raizen, iisipin ko pa 'to. I should've just stayed in my unit.
Pero tulad ng sabi ko, kung mawalan man ako ng interes, gagawan ko ng paraan magka-interes ulit.
Eh paano kung hindi naman yung interes mo ang mawala?
"I was just kidding, you look like you're about to cry." Knox laughed as he ate his damn apples. "I can just safely conclude na tinamaan ka nga, fucking down bad."
Napangiti ako at napailing. Hindi ko rin inexpect na magiging ganito ako eh. Lalong 'di ko inexpect na kay Raizen ako magiging ganito. Amp. Sino ba siya!
"Is it a good thing?" I asked, concerned.
Saglit na napaisip si Knox, "It can be good, it can be bad. Depende kung paano mo hahayaang maapektuhan ka."
Hindi ko gets. Tatanungin ko pa lang sana kung anong ibig sabihin no'n nang mag-ring bigla phone ko. My mom's calling, which is weird, it's 1 in the morning so she should be asleep or busy working.
"Hello, My?"
"Hi, anak, did I wake you up? This isn't actually an emergency but I'd like you to know that Conrad's here at the hospital—"
I stood up out of instinct, "What happened?"
"Don't worry, hindi naman kritikal lagay niya. It was a car accident. We've run some tests and we're just waiting for the results, tapos na rin na i-bandage mga sugat niya—"
"Medcity Hospital, my?"
"Yes, 'nak."
"Okay, papunta na kami."
I waited for my mom's response before I hung up. Nag-aalala na rin yung mukha ni Knox dahil narinig niya ang pagbanggit ko sa ospital, "Tropa mo naaksidente nanaman. Tara na."
Syempre binulabog din namin si Archer at Tio sa mga unit nila. Si Tio na ang nag-drive para sa 'min papuntang Medcity. It's just funny how we all have different feelings or reactions about the situation.