21

7.3K 410 647
                                    

"Remember that proposition you made when we volunteered for Rainbow Ridge? You'll do whatever I want, right?"

Kakaupo ko pa lang sa sofa, 'yon agad naalala niya. Hindi naman siguro nito ipapalinis sa 'kin yung buong unit niya, 'di ba? Ang linis na nga eh.

I made myself comfortable, "Oh?"

"Go cook or something, basketball made me hungry."

Ako? Cook? Nung inimbitahan ko nga siya sa condo ko, nag-order lang ako ng Mang Inasal. Mukha ba'ng nagluluto ako? Pwede ba call-a-friend rito? I need Archer's help.

"Next option, please." Sagot ko. Mukha na-gets na niya agad kung bakit.

"You don't know how to cook? But you live alone?"

"You're a senator's son but you live alone."

Sumimangot siya sa 'kin, "How is that the same?"

Natawa ako sa naging reaksyon niya. Parang pinag-iisipan talaga kung paano naging pareho 'yon eh. Baby ko 'di maka-gets ng joke, I was obviously just messing with him.

"Order na lang ako pagkain, bayaran ko na. G?" Pagbalik ko sa topic. Sana makalimutan na niya yung part na 'di ako marunong magluto.

"No, I'll be the one to cook na lang. Shower lang ako." Aniya bago pumasok sa isang kwarto.

Magluluto raw siya? Swerte nga naman! Huling natikman ko luto niya, noong nagbahay-bahayan pa kami sa resthouse ni Conrad sa Moncada eh.

Nag-selfi ako na kitang-kita background at mabilis ba sinend kay Knox 'yon.




xx
Knox
05:23 pm


ampota wala mn lang trigger warning
ano gagawin q jn?


pa-tarpaulin mo


to tarpaulin 🖕🫵


tanungin m kc aq kung nasan ak


kahit wala aqng pake?


oo


so nasan k


to chill chill sa unit ng baby ko at naghihintay kc pagluluto nya raw aq hehe


hala baka gusto k na rin nya?????


weh sa tingin m?


uy oh si uto uto 🫵


pakyu


iparamdam m kc na nilalandi mo sya
bobo ka rin e
nag eexpect e la k nman ginagawa


pano ko paparamdam


bigyan m malupitang banat
tapos kindatan mo
pag tinitigan k na
lapit m onti mukha m sa kanya
tas bulong mo "can i kiss u?"


kadiri ka ya
ganyan k ba lumandi?
sagwa pwe

pwede rin nmn deretsuhin m na
sabiihin m i like u n agad ganon

xx




"Damian!"

"Ay!" Like you! "Huh?"

Napaangat tingin ko kay Raizen na nakasilip ngayon mula sa isang pinto. Luh, nasa kabilang kwarto siya kanina ah? Paano siya napunta doon?

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon