30

10.5K 512 388
                                    

I've been stuck in my unit's bathroom for a while now, wondering if my outfit's enough for the event. Kasalanan 'to ni Knox eh, na-conscious tuloy ako sa itsura ko.

I don't really care about my looks most of the time— pero shit lang, kailangan ko pumantay sa pagningning ni Raizen. Nakakahiya naman kung yung kaibigan niya mukhang napadaan lang, 'di ba?

Nang maka-receive ako ng text kay Knox na ako na lang hinihintay nila sa parking, agad na rin akong bumaba. Hindi ko naman sinabi sa kanila na hintayin nila ako. Kanya-kanya naman kaming pupunta doon ah?

"Sa'n gamit mo?" Tanong ni Conrad ang bumungad sa 'kin. "Anong gamit?" Tanong ko pabalik.

Lumingon ako kay Archer na napanganga, "You received an invitation card pero hindi mo binasa?"

I'm supposed to read that?

Sumimangot ako nang sabay ko nanamang narinig ang tawa ni Knox at Conrad. Si Archer ay napapailing na lang as if he already gave up on me.

I looked at Tio, "What's in the invitation card?"

"The main event will be held at the Grand Country Club, followed by an overnight after-party on the yacht." He answered as calmly as he could. "Aren't you coming to the yacht party?"

Now I know why invitation cards are necessary.

Napatingin ako sa wristwatch (na regalo sa 'kin ng baby ko), may isang oras na lang bago magsimula yung main event. Halos isang oras din layo ng condo mula sa GCC.

I guess I'll be late. Hindi naman siguro mapapansin ni Raizen 'yon? Sa dami ba naman ng bisita niya.

I sighed, "Una na kayo, sunod na lang ako."

Wala na silang nagawa dahil malalate na rin. Bumalik ako sa unit ko pagkaalis nila. Ang dami kong oras kanina tapos ngayon lang ako mag-iimpake. Nakakainis.

Kasalanan ko rin naman. Sobrang kabado ko, 'di ko na binasa yung invitation. Bakit ba kasi ako kinakabahan?!

Nang matapos ako mag-impake, bumalik na ako sa parking lot dala ang backpack ko. Medyo nawala na yung kaba pero hindi pa rin ako mapirmi.

I arrived late at GCC as I expected. Entering the event hall with tight security almost made me shit myself, inosente ako pero para akong naging kriminal sa ginawa nilang pag-check.

And.. overwhelming is an understatement to describe how I feel right now when I made it inside.

Ang daming tao— may mga ka-edaran namin, pero ang dami rin matatanda. Birthday party ba 'to o social mixer ng mga mayayaman.

Tama nga hinala ko. Para kay Senator Rommel 'tong event na 'to. Ginamit pa niya talaga anak niya, tsk!

It wasn't hard to spot my friends really. I don't know how, but they have an aura that can attract attention. Gano'n din ba ako kapag kasama ko sila? Err– nakakahiya tuloy.

"Bakit ngayon ka lang? Inimpake mo ba buong unit mo?" Akbay ni Knox paglapit ko. "Traffic, tanga."

They handed me a cocktail that I tried right away. Fucking tequila knows how to hit a spot.

"By the way," Archer leaned over the table, "Raizen was looking for you kanina."

Pigil ngiti, Ian, pigilan mo!

Tumango lang ako at walang pasabi na ininom yung alak ni Conrad. Hindi ko naman balak agawin 'yon kaso 'di ko rin kasi inexpect yung narinig ko.

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon