20

2.3K 172 119
                                    

Conrad
11:38 pm


front road, hilaya st
bilis

xx


Gago talaga 'to si Conrad. Mga texts niyang gan'to, alam mong pinahamak nanaman niya sarili niya. I wonder what happened this time. Imposibleng street race, under construction yung Front Road eh.

As far as I know, Seth— who bought the lot that surrounds the Front Road— planned to build a race track there. Para hindi na nagagambala yung Front Road dahil pampublikong kalsada pa rin 'yon.

Mabilis akong nag-drive papunta roon kahit late na. May mga iilang sasakyan kahit off-limits ang lugar. Kaninong mga sasakyan 'to? Mukhang wala rin namang kay Conrad—

Oh, shit.

Napatakbo ako nang wala sa oras papunta sa loob ng on-going construction. Wala namang tao. Sobrang dilim kaya delikado na mag-stay ako rito, lalo na baka gumuho pa 'tong mga 'to. Nasaan ba kasi Conrad?!

Plano ko sana siyang tawagan nang makarinig ng ingay sa dulo, sa may open space kung saan 'di pa nagagalaw ang pwesto ng mga construction workers. Tangina, mukhang alam ko na nangyayari ah.

Hindi pa ako nakakalapit pero naaninag ko na si Conrad na hawak ng dalawang lalaki, may dalawa pang lalaki na nakatayo sa harap niya. Ano 'yon, salitan sila sa pagsapak? Kawawa naman tropa ko niyan.

Itong si Conrad naman, ako lang tinext! Kung umakto kaya akong walang nakita at umalis na lang? Lagi na lang kasi pinapasok ang sarili sa gulo eh. Wala akong balak sumali pero tinago ko na sa bulsa yung wrist watch na suot ko, baka magasgasan, regalo pa naman 'to ni Raizen.

"Tapos na ba kayo? Pwede ko na ba sunduin tropa ko?" Pang-istorbo ko sa kanila.

Great, now I have everyone's attention. Mas naaninag ko na rin mukha ni Rad.. shit, mukhang isang buwan ulit itatagal nito ah.

"Nagtawag ka pa talaga ng backup mo?"

"Hindi mo ba narinig? Sundo nga raw, bobo. Susunduin ako, hindi backup ko."

"Sasagot ka pa talaga?"

Dahil sa walang prenong bibig ni Rad, sinikmuraan talaga siya. Lalapit sana ako pero hinarangan ako nung isang lalaki, ngi 'di ko man lang namalayan na nakalapit siya sa 'kin.

"Oh, 'wag ka mangialam. Sundo ka lang, 'di ba?"

"Matagal pa ba 'yan? Inaantok na kasi ako."

"Wag ka magreklamo. Gusto mo matulad d'yan kay Galvez?"

Humakbang ako nang isang beses paatras habang nakataas dalawang kamay, "Nope."

Narinig ko yung tawa ni Conrad pero paglingon ko sa kaniya, nakahiga na siya sa sahig. Baliw talaga 'tong hayop na 'to. How can he even laugh at his situation? He's probably enjoying this.

"Subukan mo ulit lapitan kapatid ko, mas malala aabutin mo d'yan sa susunod. Tara na!"

Pinanood ko yung apat na gunggong tumakbo paalis. Sinangga pa nga ako nung isa eh, 'pag siya pinatulan ko baka siya pa sumundo kay satanas.

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon