17

9.5K 441 461
                                    

Lugmok malala habang pinapanood IG stories ng mga blockmates at kaibigan kong puro party o travel ang ginagawa. Tapos ito ako, nagpapahinga sa condo after umattend ng tatlong meeting sa isang araw!

Sobrang excited ko pa naman magbakasyon, sana nag-summer class na lang ako.

Napatigil ako nang matapat ako sa IG story ni Raizen. Nagvovolunteer nanaman siya sa isang foundation. Dalawang linggo na ulit nakalipas mula nung nag-lunch kaming mas mabilis pa sa alas kwatro.

Para akong nangungulila. I forgot how many times I've tried to go to his condo just to see him, but I have no excuse.

I was busy watching his stories when I received a call from kuya Dom. Istorbo! Dinecline ko pero tumawag pa rin, so dinecline ko ulit. Kaso ayaw patinag, tumawag nanaman!

"The number you have dialed is incorrect or is no longer in service. Please check the number and try again. If you need assistance, please contact customer service—"

"Fuck you. Bakit mo 'ko binababaan?" Iritableng tanong niya mula sa kabilang linya.

Napairap ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita, "Kasi ayaw kita kausap."

Hindi naman ako galit sa kuya ko. Siguro may part lang sa 'kin na siya ang sinisisi ko, dahil sa kaniya hindi masaya ang bakasyon ko 'no! Ako ang laging hila ni daddy sa meetings na 'yan.

"Nakita mo na grades mo nung second sem?"

"Tagal na. Why?"

"Mataas ba?"

"Syempre, ako 'to eh."

"Tutuloy ka sa second year? Wala ka ba planong mag-shift?" Naging seryoso na ang boses niya.

Tutuloy ba ako? I don't hate nor like Biology. Like what I've said before, I don't have any idea what I really want to do after graduation.

Being stuck in the hospital and meetings for a month made me realize.. it's not really that bad.

"Wala, mag-eenroll na ako for second year bukas."

"If that's what you want." At binabaan na ako ng tawag. Ano ba inexpect niya? Tutulad ako sa kaniya? Eh, wala naman akong pangarap tulad niya.

Ayoko ioverthink ang mga desisyon ko sa buhay kaya imbes na mag-stay sa condo, niyaya ko pumunta sa Hq ang mga blockmates ko. Kung mageenroll kami bukas, dapat pare-pareho kaming may hangover.




xx
Ayi
12:11 am


Alex:

gusto mo b sa course m
o mas gusto m s ken

Ayi:

I thought you're out drinking with your friends?

Alex:

oo nga
bawal k ba kausapin habang nainom :(

Ayi:

You're so clingy hahaha

Alex:

ikaw yan e

Ayi:

What's with your question anyway?

Alex:

la lng curious lng
u like ur program?

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon