Raizen Serrano (@raiserrano_): Hi, you free this Sunday?
ian (@ddamnianv): di e may date aq
Raizen Serrano (@raiserrano_): Oh, okay
'Yun lang? Okay? Anong okay? Tanungin niya kung sino, bakit, at saan! Hirap naman magpahabol dito.
Wala naman akong date sa linggo, manood lang ako finals ng UMAA. Para kay Knox at syempre, para kay Raizen. Maglalaro ba siya? Hala, baka kaya nagtatanong kung free ako kasi yayayain niya ako manood?
Sige, assume pa!
'To na, 'di na.
"Busangot ah?"
Napaangat tingin ko kay kuya Dom nang umupo siya sa tapat ko at may dalang kape. "Break mo?" I asked.
"Nope. Sarado na kami, inutil." He shrugged. "So, bakit nandito ka pa rin sa cafe? Hinihintay mo ba sumikat yung araw?"
Oo nga, hindi ko napansin yung oras. Nakakawalang gana kasi sa unit ko. After ko mag-review, imbes na matulog, parang gusto ko magmukmok. Ngayon anong saysay ng nireview ko kung puyat naman ako?
It's past 3AM, I have an exam at 8. Angas ko talaga.
"Babae ba 'yan?"
"Hindi ako buntis," sagot ko na ikinasimangot ni kuya. Lintek na tanong kasi?!
Parang si daddy rin 'tong si kuya Dom eh, I know he's about to interrogate me about what's on my mind. So before he could even do that, nagligpit na ako ng gamit at umalis ng cafe.
Ayoko pa bumalik sa unit ko kaya iniisip ko kung tatambay ba ako sa convenience store malapit. Though last time I was there, I met Raizen, and I don't want to see him tonight.
I mean, gusto ko siyang makita– gustong-gusto— pero 'wag muna ngayon. Baka wala akong masagot sa exam mamaya niyan. Kung kailan huling exam na?
Okay lang sana magkita kami kung susuyuin ako eh. As if naman suyuin ako?! Hindi ko kasi matanong sa kaniya kung bakit ba niya tinatanong kung pwede ako sa linggo, bakit ba kasi nagpakipot ako? Eh. Masyado na akong marupok.
What if mag-aaya pala ng double date 'yon? Aba, pass malala!
Buti sana kung kami yung partner sa double date na 'yan eh.
Ano kaya feeling ng gano'n? Of course, I've had dates, they were fun. But most dates I've had are for getting to know each other shits. Kahit 'yon naman talaga purpose no'n. I'm just curious about how different romantic dates would be.
Amputa. Para akong tangang kinikilig sa gitna ng kalsada nang alas tres y media. Kailan pa ako naging hopeless romantic?!
xx
Ayi
06:12 amAyi:
I have tanong
Alex:
reschedule m later 10am bebe
naliligo pa aq