01

6.8K 224 138
                                    

2022, Damian's POV






"Shot, Ian! You need to catch up!" Knox was quick to give me a glass of vodka. Tinanggap ko 'yon at tinungga agad.

Paupo pa lang ako sa bakanteng part ng couch nang abutan naman ako ni Conrad, "Oh, isa pa!"

Tangina, kaya ayokong nalalate eh. Sa tropahang 'to, kawawa ang laging huli. Still, I accepted the glass. Mukhang may mga tama na rin naman sila kaya dapat lang na magka-tama rin ako.

I sat down beside Archer, napailing na lang din siya habang pinapanood akong sunod-sunod uminom. "Awat na, bobo, ikaw naman." Kinuha niya yung basong inaalok sa 'kin ni Knox at binigyan siya ng isang mas puno.

"Fuck you ka, Arch! Kanina mo pa ata ako nilalasing!"

"Gusto mo rin naman!"

"Cheers!"

"Where's Tio?" Tanong ko kay Conrad na busy kakatawa doon sa dalawa.

He shrugged, "Tinatanong pa ba 'yan?"

Well, hindi naman na siguro ako dapat mag-alala kay Tio. Whenever we drink in a club, he'll go missing after an hour. Either he went home already or he's at the parking lot, reading biology shits.

"Bakit nga ba ngayon ka lang, Ian?" Knox asked, giving me another glass. Halos matapon pa laman no'n dahil lasing na talaga si tanga.

"Oo nga, ala-una na oh." saad pa ni Conrad.

Ngisi lang ang sinagot ko sa kanila bago ininom yung alak. Muntik ko pang maibuga 'yon nang tadyakan ako ni Archer, "Siraulo! Isang oras ka nakipag-momol sa parking lot, 'no?" Natatawang hula niya.

"Sayang nga momol lang eh," Sagot ko.

Ang tagal rin namin sa parking lot ni.. ano ulit pangalan niya? Basta! Akala ko talaga yayayain niya ako sa place niya eh, but after making out for God knows how long, she just dismissed me like I'm a pest. Grabe na talaga!

Puro asar inabot ko sa sakanila pero hinayaan ko na lang. Ang tagal din naming uminom hanggang sa nagpasama si Knox sa restroom, lasing na lasing na ang 'sang 'to.

Kanina pa ako nanonood sa kaibigan kong sumusuka sa inidoro. Mas nag-aalala ako na baka pati bituka niya ay isuka na rin niya. He usually knows how to handle his liquor so I'm not sure what went wrong this time.

"Kaya mo pa?" I asked Knox. Tumango siya at magsasalita sana pero sumuka nanaman.

Napailing na lang ako bago umalis sa pintuan ng cubicle at sumandal sa may lababo. As much as I want to smoke right now, I can't do it here. Unless I want to trigger the smoke detector alarms.

I looked at the time, it's almost 4 in the morning. Malamang ay lasing na rin ang iba naming tropa sa labas. I wonder if Tio's still here, hindi ko kayang iuwi lahat ng tropa namin lalo na't nakainom din ako.

Hindi naman ako na-inform na magbabantay pala ako.

Sisilipin ko sana ulit si Knox pero may ibang pumukaw ng atensyon ko. Yung mga numerong naka-ukit sa may pader. I smirked out of nowhere. See, this kind of things always intrigue me. Minsan ay napipikon na nga lang din ako sa sarili ko dahil lahat na lang ng bagay ay pinapakialaman ko.

Mabilis kong tinype ang number sa phone ko.




xx
+63(950)-324-4423
03:48 am

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon