03

2.9K 161 66
                                    

Gusto ko siyang lapitan at i-congrats pa rin kahit olats kagabi. Kaso 'wag na lang kasi.. basta 'wag.

"Oy, bayad mo."

Binalik ko ang atensyon ko kay kuya Dom. Binayaran ko siya at sa counter na naghintay sa kape ko.

I tried my best not to look at Raizen's way. Huling kailangan ko ngayon ay ang bagong pagkaka-interesan at pagkaka-curious-an. Tamo, na-curious lang din ako kay Knox noon pero ayaw na akong tantanan ngayon.

Kaso naknampucha! Pagkalingon ko sa kaniya, lumingon din siya sa 'kin. Nginitian pa niya ako!

Sa panic ko ay umiwas ako ng tingin at umaktong walang nakita. Ang friendly naman kasi niya, kung makangiti akala mo may 15 years, 6 months, 20 days, and 5 hours na kaming pinagsamahan eh?

Nako, Lord, ilayo-layo mo sa 'kin 'to. 'Pag ito bago kong kinaadikan. Okay na ako sa apat na tarantadong tropa, 'wag na natin dagdagan, Lord.

Nang tawagin ang pangalan ko, agad kong kinuha yung kape bago lumabas ng cafe. Bumalik din ako agad sa unit ko para magbihis at makahabol sa pangalawang klase ko.




xx
+63(950)-324-4423
01:11 pm

do u know how many lymph nodes are there in one's body?

Do you know how many laws are there in the Philippines?

no, how many

IDK.
You count

nawp
btw hey

?

pwede q ba malaman pangalan m

You've been texting me for like a week now and ngayon mo lang gusto malaman pangalan ko?

aw
tampo yarn

No, you can't know my name.

lah bkt :(

Kasi ayoko.

pero !!1!1!
gusto 1!!!11!
ko !!!1!!111!!!!

Wtf

paano na love story natin nyan !!!

Love story?
What are you, 5?

de mas bata p

1?

oo hahahaha
baby
mo

Now you're flirting like a high schooler
Mukhang tanga

pano m nagagawang maging bida at kontrabida at the same time sa love story natin?

Read 01:38 pm

xx




Mukha ni Tio ang bumungad sa 'kin pagkapatay ko ng phone ko. "Bakit ngayon ka lang? Gutom na ako." Agad kong angal.

Technically, wala akong karapatan umangal dahil ako naman talaga ang nagpilit sa kaniya na sabay kaming mag-lunch. Gusto ko muna kasi lumayo sa mga blockmates kong walang ibang bukambibig kundi puro mga babae. Mga uhaw eh.

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon