27

2.5K 195 183
                                    

Ayi
07:11 am


Ayi:

How's Mickey?


Alex:

sssh may date


Ayi:

What are you talking about


Alex:

sent a photo.


Ayi:

Where are you and whose dog is that he's playing with?


Alex:

sinama q sha sa morning run q
tas may nakita kami aso dito s may playground
pinaglaro q muna
kaso type nya ata
medyo maharot din pala to si mikmik


Ayi:

Mikmik? Oh God

xx




"Uuwi ka na? Maaga pa. Tambay muna tayo sa Arctan o kaya sa Genha."

Umiling ako, "Pass, may naghihintay sa 'kin sa condo."

Kinantyawan ako ng blockmates ko na baka raw may girlfriend na akong ka-live in. Bahala sila isipin gusto nila, katamad i-correct tapos 'di ko naman mae-explain lahat nang maayos.

Ah, basta! Hinihintay ako ni Mikmik.

Pag-uwi ko sa condo, nasaktuhan ko na kaka-park lang din ni Knox sa tabi ng sasakyan ko. "Aga mong umuwi, bagong buhay ka na ba?" Pangangasar ko habang naghihintay kami ng elevator.

Kilala ko 'tong lokong 'to, kahit kailan ay 'di siya umuuwi nang maaga. Sa dinami ba naman ng na inuuwian niya? Sus!

"Anong maaga? Ngayon lang ako uuwi mula kahapon." Ngumisi siya at bahagyang nag-unat ng leeg—

Ang gago, sadyang pinakita sa 'kin yung chikinini niya! Ambang sisipain ko sana siya pero bumukas na agad yung elevator kaya nakapasok siya agad. Napailing na lang ako bago sumunod.

"Who was the wild dude? Kilala ko ba?"

"It was a girl," he shrugged. "And I doubt you know her, ako nga 'di ko kilala eh."

Right, he's bi, I forgot about that part.

Habang nakatingin sa hickey niya, napaisip ako anong feeling no'n. I have an experience with making out with anyone but I'm also the one who usually gives hickeys, never na ako ang binigyan.

"Wag mo titigan, bro. Halatang naiinggit ka."

"Fuck you," tinadyakan ko siya bago siya natatawang bumaba sa 24th floor.

Ako, naiinggit? Medyo lang.

Pagpasok ko ng unit ko, bumungad agad si Mikmik. Bilib din ako sa asong 'to, isang linggo pa lang siya sa 'kin pero nagre-respond na siya sa 'Mikmik' at naglalambing na sa 'kin.

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon