09

2.4K 156 138
                                    

xx
Ayi
01:18 pm

Ayi:

Fuck
Fuck
I'm so
KABADO

Alex:

HAJAHAJAHAJSJAAJA
ANG CONYO BEBI

Ayi:

I'm so nervous I forgot "nervous"
Give me a break

Alex:

why kabado
what's meron

Ayi:

Are you mocking me

Alex:

LAH DI AH
so bakit kinakabahan ang baby na yan

Ayi:

I'm going to play

Alex:

play ano

Ayi:

Secret, basta it's a sport
Next season pa ako dapat maglalaro, hindi ko alam bakit ako pinapalaro ni coach today!

Alex:

uy kasali sa varsity aba aba
baka sobra galing m gusto k na isalang
AYE
BAKA AYI YAN

Ayi:

The only reason why I had to excel in this field is because my father wants me to

Alex:

ay
tara takas wag k na maglaro
sunduin kita kung san ka man

Ayi:

Maglaro na lang pala ako

Alex:

grabe ayaw talaga aq makilala
sakit m nmn lovey qq

Ayi:

Gtg
Bye

xx




"Kahapon niyaya kita manood ng laro ni Knox, ayaw mo. Tinatamad ka kamo. Tapos ngayon g na g?" Iritadong bungad ni Conrad sa 'kin paglabas ko ng kotse ko.

Hindi ko siya pinansin dahil ang init sa parking lot ng campus nila. Kinaladkad ko na siya agad sa court. Pagdating namin, nagsisimula na yung game. Crestwood vs. St. Clement.

"Oh? Raizen's playing?" Rinig kong bulong ni Conrad sa sarili niya.

Raizen wasn't hard to spot, he's always glowing. He's wearing a green jersey with number 30 on it. Pawis na pawis na siya, kanina pa ata inilalaro. Ngayon ko lang siya nakita sa gan'tong suot, hindi ko inexpect na bagay rin pala sa kaniya. Nasanay kasi ako sa good boy look.

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon