06

2.3K 158 68
                                    

Sobrang nakampante ako nang makita na si Conrad. Bukod sa safe tropa ko, at least may napatunayan yung kayabangan ko kay Raizen. If dinala ko siya sa Moncada ta's wala naman pala si Conrad, baka 'di na ako sikatan ng araw.

"Pre! Sorry na, pre!" Tumakbo si Rad palapit sa 'kin na kunwaring umiiyak, "Hindi ko naman sinasadyang ipag-alala kayo. Seven hours pa lang akong wala sa Maynila kaya malay ko ba'ng magpapa-search and rescue na kayo?"

Aba, syempre. Siya 'yan eh? Ang mahilig ipahamak ang sarili.

Akmang yayakap pa siya pero pinigilan ko siya at pinitik sa noo. "Hinayupak ka. Tawagan ko lang si Archer, kausapin mo muna 'yung nasa loob." Sabay turo ko sa sasakyan ko.

Actually, Raizen's still asleep. Ayokong gisingin, nakakapanghinayang kapag gumising siya eh mas maganda siyang tulog.

"Sinong nasa loob?" Lumapit si Rad sa passenger seat, hinayaan ko na lang na siya ang manggising.

Gumilid ako at tinawagan si Archer, binalita kong nasa Moncada kami at pwede na silang kumalma. Matapos ang tawag, I saw Conrad and Raizen talking when I turned around.

Curious ako sa pinaguusapan nila dahil mukhang seryoso, pero dahil nga seryoso- hindi na ako nakialam. Dumeretso na lang ako sa loob ng bahay kung saan bumungad sa 'kin si Cassidy.

"Hi, Ian!" She smiled and kissed my cheeks, "Let me guess, hindi nanaman nagpaalam si Conrad, ano?"

Tumawa ako bago naupo sa may sofa kahit hindi naman niya ako inimbitahan umupo, "Yup. Happy birthday rin pala, sorry hindi nakapagdala ng regalo." Hindi ko naman kasi inexpect na pupunta ako rito eh.

"Nah, it's fine. What can I get for you? Juice? Softdrinks?"

"Anything you have is fine,"

"Isang orang juice naman para sa isa ko pang kaibigan!" Singit ni Conrad pagpasok niya, nakasunod naman si Raizen na mabilis lang akong dinapuan ng tingin.

Napunta agad kay Cassidy ang atensyon niya.

"Zen, she's Cass. I don't think I've mentioned I have a twin sister, 'no? Cass, he's Raizen. Anak ni Senator Rommel 'yan."

Raizen smiled before shaking hands with Cassidy. There he goes again! If he can fool other people, then not me. Kahit saang anggulo ko tignan, parang isang trabaho sa kaniya ang maging friendly eh. Ako lang ba nakakakita niyan?

Don't get me wrong, being nice and friendly is like one the most basic etiquette. Like you know, something that would cost you nothing. Ako rin naman ay marunong makisama. Iba lang talaga 'tong si Raizen.

He's trying to please people. Because if he doesn't, it feels like it would be the end of his world. Or am I misjudging again?

Si Conrad na ang kumuha ng inumin. Cassidy and Raizen are too busy talking about political issues, isang anak ng senador at isang galing sa pamilya ng mga abogado ba naman eh.

Nairita lang ako.

Sumunod ako kay Conrad sa kusina na busy magsalin ng juice sa mga baso. I helped him serve those, kinuha ko na yung isa samantalang inabot ko hung isa kay Raizen.

He was listening to Cassidy talk as he stared at the glass I'm trying to give him. Hindi ko siya pinilit na kunin 'yon, hindi ko rin binawi. Bahala siya magmukha kaming tanga rito.

"Don't you like orange juice?" Cassidy asked when she noticed I've been offering the juice for so long now.

He finally looked up to me. Tinaasan ko siya ng kilay, hindi ba naman nagpatalo at tinaasan din ako. "May softdrinks sa ref, kuha ako?" Rinig kong alok pa ni Conrad sa likod ko.

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon