16

3.3K 186 70
                                    

"Bili ka sarili mong alak. Hindi ka nanood, 'di ba?"

Nakalimutan kong grabe nga pala magtampo ang isang Knox Real. 'Tamo, alak, pinagdadamot pa!

Nandito kami sa unit niya para uminom at mag-celebrate dahil nag-champion ang Sunridge U nung linggo. We're supposed to go to a club, kaso baka takasan lang kami ulit ni Tio eh.

"Oo nga! Iniwan mo kami sa ere, 'di ba?" Gatong pa ni Conrad at inakbayan si Knox.

Dedepensahan ko pa lang sarili ko pero humarang sa mukha ko yung mukha ni Archer na lasing na, "Dude, why's your unit passcode 7221?" 'Pag inumang bahay, ang bilis malasing ni gago. 'Pag sa club, ang tino!

"Knox's passcode is his birthday, my passcode is my mom's birthday, Tio's passcode is the last four digits of his phone number, Conrad's passcode is basic 0123. Why is yours 7221?"

Tangina? Sabay-sabay kaming natawa dahil kay Arch, except kay Tio na napailing na lang sa pinagsasabi ng tropa namin. Iba talaga tama ng Alfonso sa hayop na 'to. Pati passcode, pinagdiskitahan!

"Kasi 7221 din pass ng phone ko."

"Eh, bakit 7221 pass ng phone mo?"

"Kasi July 2, 2021 ko 'yon binili. Since then, 7221 na passcode ko sa lahat."

"Thanks for letting us know, Ian." Tio scoffed at me, like knowing my privacy was the last thing he wanted.

"Painom na kasi ako," Angal ko at tinabig ang mukha ni Archer para kunin yung shot glass, mas mabilis nga lang naagaw ni Conrad. Muntik pa nga matapon eh.

Tinignan ko siya nang masama, "Kulit ah!"

"Isang tanong, isang sagot, isang shot! G?" Fucker smirked at me, as if he's planning something. Lintek na ngiti 'yan, hindi mapagkakatiwalaan eh.

Humalakhak naman si Knox, "Tama!"

"First question, virgin or not?" Conrad even made the bottle of Alfonso his mic. Napairap ako sa tanong, "Basic, virgin."

This time, hindi na nila ako pinigilan na kunin yung shot glass. Uminom ako habang tumatawa sila. They're not laughing because I'm a virgin, but because how easy it was for me to admit.

Eh, sa totoo naman?!

"I have a question too!" Archer sat straight, squinted his on me. "If you buy a new phone, will you change all your passcodes too?"

"Yep!" And I took another shot.

Nakatanggap naman ng kutos si Archer mula kay Knox, "Ang pangit ng tanong mo, 'yun na 'yon?" Naglagay siya ulit ng alak sa baso. "Next question, may pinagkaka-interesan ka ba ngayon?"

Knox knows what he's doing. If there's anyone in this room who knows the answer to his question, it's also him. Lakas mangasar ni gago.

Syempre tinaasan ko pride ko. "No answer, no shot?"

"Oo."

Ngumiti ako at inurong palayo sa 'kin yung baso, indicating that I'm not going to drink.

Aasarin pa sana ako ni Knox pero humarang si Conrad na nakakunot ang noo, "I remember you texting a girl when second sem started, nag-uusap pa rin ba kayo? Kayo na ba? Weh? Bilis mo magsawa, 'di ba?"

"Right, what happened to that girl that lasted more than two weeks with you?" Pati si Tio biglang nabuhay sa usapan.

"Wala na 'yon." Uminom ako ng dalawang magkasunod. Para akong uhaw na uhaw sa alak, ayoko na nga.

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon