Ang kati na ng binti ko, kanina pa ako pinagpepyestahan ng mga lamok. Anong oras ba balak umuwi ni Raizen? Kanina pa akong alas kwatro rito sa waiting shed sa may gate ng Crestwood University.
Ditong gate lang naman siya lalabas dahil ito yung gate palabas ng parking lot, unless wala siyang dalang kotse at sa ibang gate lumabas...
Pasado alas otso na, nag-aaral pa rin ba sa library 'yon?
I decided to light a cigarette. I've been smoking a lot since that day, my dad would kill me if he found out.
"Ian?"
Napaangat ako ng tingin, akala ko pa naman baby ko na. Si ano lang pala, ano ulit pangalan niya? Basta siya yung anak ni APD na tinawag ni Raizen na madaldal noon.
Tinanguan ko lang siya, but I guess he took that as an invitation to sit with me. "I had no idea you smoke, especially considering you come from a family of doctors." Ngumiti siya sa 'kin.
Hindi ako sumagot at nagkibit-balikat lang. Sarap sanang sabihin na si Conrad nga ay galing sa pamilya ng mga abogado pero.. ah, basta! Ang mahalaga ay wala siyang tinatapakang tao.
"Waiting for Raizen?"
"Yup," Nagsalita na ako. "Nakita mo ba?"
"He always stays until the library closes, why don't you try calling him?"
Ilang beses ko na sinubukan, 'di naman sumasagot. At least I'm not blocked yet. Hindi na lang ulit ako kumibo dahil baka kung saan pa mapunta ang topic.
May less than two hours pa bago umuwi si Raizen. Wala pang kasiguraduhan na kakausapin niya ako kung makita ko nga siya ngayon. Miss na miss ko na siya, mababaliw na ata ako.
"I could go back and tell him that you're here—"
"Wag." Mabilis kong pigil sa kaniya 'pag tayo niya. 'Pag nalaman ni Raizen na nandito ako, gagawa agad ng paraan 'yon para umiwas.
Saglit akong pinanliitan ng mata nitong anak ni APD, "I get it. You two are not in good terms, huh? At mukhang ikaw ang may kasalanan kaya nandito ka." Thanks!
I hissed before looking away, "Don't even ask anything."
Mahina siyang tumawa bago naupo ulit sa tabi ko, "No, I have to ask this— are you and Raizen a thing?" He's being straightforward again.
"Hindi, wala—"
"Right? I definitely knew that. I mean, I tried to hit on him last year but he told me he's straight so.." Nginitian nanaman niya ako. Why does he sound so relieved?
Sa totoo lang, isang beses pa lang naman kami nagkasama noon pero parang para sa kaniya, may 10 years na kaming pinagsamahan eh.
Ang komportable niya sa 'kin tapos kulang na lang, itanong niya rin kung anong posisyon ko 'pag natutulog sa gabi dahil sa mga straightforward niyang tanong.
"Me too, actually." Wala sa sarili kong sagot.
I haven't fully figured out how I identify myself yet, but being straight clearly isn't one of the options anymore. However, if I have to lie just to get him to leave me alone, then I will.
He scoffed, "You like Raizen, shut up."
Ako ang tumawa this time, walang lakas para itanggi 'yon. Alam naman pala niya, 'wag na siya umeksena.
"That's his Audi.." Lumingon ako agad sa tinuro ng katabi ko, "It's only 9pm, he's leaving already? Hanggang 10 pa yung—"
Mabilis akong humarang sa gate para hindi makalabas yung sasakyan ni Raizen. Sagasaan o kausapin niya ako, choice niya naman.