Kung hindi na 'to interes— kung iba na 'to, eh ano?
Baka naman nararamdaman ko lang kay Raizen 'to kasi siya si Ayi? Si Ayi na una kong pinagka-interesan, si Ayi na nilalandi ko, si Ayi na naging parte ng araw-araw ko.
Si Ayi na akala ko babae.
Tama, lilipas din 'to. Tulad ng nararamdaman ko sa lahat ng bagay, pagsasawaan ko rin 'to.
"Hoy, sarguhin mo na." Utos ni Knox. Right, sumama nga pala ako mag-bilyar para mawala sa isip ko si Raizen.
Tulad ng utos niya, sinargo ko. We've been playing 8-ball for almost two hours now. He's supposed to be busy since it's UMAA season but he said he needs time off from basketball once in a while.
At syempre ako ang inistorbo niya. Teka, "Bakit nga ba ako niyaya mo maglaro?" Tanong ko nang ma-realize.
"Si Tio, busy. Si Archer, nag-aaral. Si Conrad, nawawala- nanaman. Ikaw lang naman lagi option #1 sa tropahang 'to kasi ikaw lang lagi available." Lakas mang-asar ni gago, binato ko tuloy yung cue stick sa kaniya, na agad naman niyang nabato pabalik.
"Anyway," Aniya nang maka-recover sa pagtawa. "Ikaw nga available pero utak mo, nalipad. You good?"
Am I? Oo naman. Except lang sa part na hindi ko na talaga maintindihan sarili ko pagdating sa nararamdaman ko kay Raizen.
Napatitig ako saglit kay Knox. Pogi naman 'tong tropa ko at magaling mag-basketball tulad ni Raizen. Kaso 'di naman bumibilis tibok ng puso ko kay Knox at nakakahinga rin ako nang maayos.
Actually, never in my life I've experienced or felt this towards anyone. I don't really know what I'm feeling right now, or if I ever even wanna know.
"Alam mo naman kung gaano ako kabilis magka-interes sa isang tao, 'di ba?" I asked.
Tumango siya bago tumira, "And also how fast you lose your interest. Kaya ka natatawag na babaero eh."
Tama, exactly. Hindi kaya mabilis akong mawalan ng interes kasi hindi ko naman genuine na gusto ang isang tao? Palibhasa, mapag-interesan ko lang saglit ang isang babae, 'kala mo ready na sa altar eh.
"Gago, pre? Baka babaero ka talaga?" Natatawang akusa ni Knox kaya bahagya ko siyang tinulak, turn ko na rin naman na tumira. "Subukan mo mambabae, tanga, apat kaming bubugbog sa 'yo, dagdag mo pa kuya mo."
Ako? Mambababae? Puta, lalaki nga nasa isip ko.
Shit. I remembered that Knox is bi, what if..
"Pre, what if tayo talaga?" Seryoso kong tanong. Bigla niyang hinubad sapatos niya at ibinato sa 'kin na ikinatawa ko, "Joke lang!"
"Kadiri amputa, 'di ka mahal ng tatay mo?"
"Medyo," lalo kaming natawa nang ma-bring up si daddy. And knowing my dad? Duda talagang mahal ako no'n. Tanginang humor kasi 'to ni Knox, halatang iyakin sa gabi.
Nang maka-recover sa pagtawa, naalala ko nanaman yung pinoproblema ko. Sakto tapos na turn ko kaya naupo ako ulit sa gilid.
"Pero pre, seryoso na." Saad ko. He showed me his middle finger, expecting na hindi naman ako magseseryoso.
I cleared my throat, "Paano mo na-realize na attracted ka sa lalaki?"
"Damian, pwede ba, 'wag ako."
"Hindi naman talaga ikaw, bobo. Seryoso akong nagtatanong." I tried to sound more serious this time.
Tinitigan pa niya ako, kinikilatis kung seryoso ba talaga. Nang ma-realize niyang hindi ako nagbibiro, nilapag niya ang cue stick niya at sumandal sa pool table nang naka-crossed arms pa. Parang manenermon naman 'to.