19

2.4K 192 122
                                    

"Kuha mo 'ko water."

Napataas ako ng kilay bago nilingon ang katabi ko. Kung makautos, 'kala mo siya nagpaaral at nagpakain sa 'kin for 15 years. O baka aware siyang hirap akong pumalag sa kaniya?

"Bakit ako?"

"Why? What's your role ba rito?"

Aba! Lakas ah. Hindi ko mapigilang mapasimangot nang mahina siyang tumawa, enjoy mag-utos si boss!

Binalik ko na lang atensyon ko sa pagkain ko, "Mukha mo water."

Tuluyan na siyang natawa bago tumayo at kumuha ng sarili niyang tubig. Actually, plano ko naman talaga kumuha ng tubig para sa 'min. Hinintay ko lang din na pilitin niya ako, konting lambing gano'n hehe.

Pagbalik niya, dalawang bottled water ang hawak niya. "Thanks, nag-abala ka pa." Nakangiti kong saad, hindi niya ako pinansin at uminom na ng tubig.

Tapos na pala siyang kumain tapos ito ako, tinatapos pa ang pangatlong supot ko ng kanin. Not my fault I'm hungry, but he's the one who told me to wait for him.. na ginawa ko naman.

Tapos hindi pa rin niya gets na gusto ko siya?

Nanahimik siya sa tabi ko kaya hinayaan ko na lang. Feeling ko tinetext niya si Alex. Nakailang vibrate na phone ko sa bulsa ko eh. Aw, nangungulila ang baby.

Sorry, this day is for Damian and Damian only.

Nang matapos ako kumain, nilagay ko yung styro ng pinagkainan namin sa isang plastic at tumayo para itapon 'yon. Pagbalik ko, binato niya sa 'kin yung water bottle kaya otomatiko akong napangiti.

"The fuck you're smiling at?"

"Pake mo? Mahal ng binayad ko sa dentista para rito."

Irap ang sinagot niya sa 'kin, pero nahuli ko yung maliit niyang ngiti. Lalo tuloy lumawak ngiti ko bago ako uminom ng tubig.

Mula pa kanina, ang natural ng kilos at usap namin. We do argue a lot, yes, but even that felt natural too. Like we've been talking everyday for months.

We do talk everyday, but he doesn't know that, does he?

Napaisip tuloy ako. Hindi ba siya nagtataka kung paano at bakit mukhang ang gaan namin sa isa't isa? Dahil lang ba komportable siya sa 'kin? Hindi ba niya naaalala sa 'kin si Alex? Vice versa?

Napunta na ang atensyon namin sa may field dahil nagsisimula na si Alec sa pagpapalaro sa mga bata. Buti na lang hindi gaanong mainit kahit tanghali, medyo makulimlim.

Nilingon ko si Raizen, "Sali tayo."

"No thanks."

Nag-cross arms pa siya na parang nire-reserve ang sarili. I can't help but scoff, what is he doing here then? Yung pag-seminar lang ba ang role niya? Eh, kalahati lang ng seminar ang kinaya ng atensyon ng mga bata.

"I have a proposition." I smirked.

He arched an eyebrow, "I'm listening."

"We'll play with the kids and I'll.. uh, do whatever you want?" I proposed, unsure. Willing naman ako gawin lahat, 'wag lang sana niya ipagawa yung mga imposible.

"Whatever I want?" His eyes lingered on me longer.

Hindi ko siya mabasa, hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Basta alam ko lang.. parang pagsisisihan ko 'to ah.

Still, I held my chin high, "Whatever you want."

Umayos siya ng tayo at pinagpag ang kamay, "Let's go." He's the one who smirked this time before walking towards the field.

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon