"Hey, wake up."I awakened to his voice. "Dylan, ang aga pa..." I kept my eyes shut. Promise, antok na antok pa talaga ako.
"Get up na nga sleepy head."
Haist. Ang kulit naman nito. Minulat ko ang eyes ko.
"Breakfast in bed?"
Bumangon nako. I'm so pampered. Partida pa yan ha... single pa ako nyan. Haha. Joke.
"Ja, gala tayo."
"Shocks Dylan. Ginising mo ko ng maaga para lang gumala? Naman oh. Pde bang matulog lang ako whole day today? Minsan nalang to." Kumakain nako ng bacon and French toast. In fairness, he really know his way to my heart. Este to my stomach pala.
"Umaarte ka na naman. Pinagluto na nga kita oh. Kung gusto mo papaliguan pa kita, bibihisan tapos..."
"Shut up! Ang bastos mo!" Nginudngod ko sa kanya yung isang buong French toast.
"Hahahaha! Why are you blushing? Tska grabe ka naman Ja makasubo!"
"Ewan ko sayo! Oo na, fine! Gagala tayo. So pde bumalik ka na sa guest room at pakiayos ng tinulogan mo? Wag moko papagligpitin kundi makakatikim ka talaga ng sandamakmak na kutos at sipa."
He stood up, laughing. Can he be panget even just for a day?
"Alright, Amazona!"
Ayun tumakbo na palabas.
Sira-ulo talaga yun pero kahit ganun yun, mahal ko yun.
O! Assuming na naman ang readers. Mahal ko yun kasi kaibigan ko. ;)
/
/
/"O, san punta?"
Ang late talaga gumising ni Barbie.
"Ewan ko kay Dylan." I answered her while nag-aayos ako ng sneakers ko.
"Aba... hindi man lang kayo nag-invite?"
"Late ka na kaya gumising."
"Ano'ng late? 6AM palang oh! Mas maaga lang kayo gumising. San ba talaga kayo pupunta?!"
"Grabe Barbie. Bibig mo naman. Nakalulon ka ba ng megaphone? Pde pakibawasan ang volume? You'll ruin my eardrums."
Magsasalita pa sana si B pero lumabas na ng guest room si Dylan.
"Catfight?" He amusingly asked.
"Nope. Nagtatanong lang sya kung san tayo pupunta."
"Ah. Secret."
He grabbed me by the hand and said "Bye, B!" to my bestfriend then umalis na kami.
Binabagtas namin ang daan patungong langit.
Joke. Ayoko pang mamatay. Gusto ko pang ikasal at magkaron ng sariling pamilya.
"Dylan? San tayo pupunta?" Yung car nya ang gamit namin.
"Zambales."
"Weh? Ang layo naman!"
"That's why ginising kita ng maaga." Nilingon nya ako sandali and nagsmile. Ayan na naman ang dimples nya.
He continued, "This is my way of saying thank you for everything Ja."
Hindi muna ako nakapagsalita kasi parang nailang ako sa seriousness ng tone nya.
But I managed to utter some. "Dylan di mo naman na ako kelangan pasalamatan."
"You deserve to feel how grateful I am to have you. Just let me do this, ok? You deserve all good things Ja because you're extraordinary and you're worth it."
"Ok..." Napatingin nalang ako sa labas ng window.
Yes, I deserve every good thing. I'm deserving of it because I'm so darn worth it.
After the hours of driving, we arrived here at his family's rest house.
Sinalubong kami agad ng caretakers nila and kinuha yung gamit namin. As if naman madaming dala noh? Hehe.
The place is so nice. Ang peaceful dito.
Okay, so this is what I deserve. A day of full rest in a paradise-like place.
*ringggggg*
"Yes B?"
"Naka-on ang GPS mo hahaha! Zambales ha! See you!"
"Si Barbie?" Dylan asked me. I nodded so kinuha nya yung phone from me.
"Yes, yes." He sighed. "Alright, I'll send you the exact address because I'm turning off her damn GPS after this call."
He ended the call.
Ano kaya yun? He sounds so pissed off.
Pero ok narin na Barbie's coming. So I'll retract my expectation. This won't be a peaceful rest but this will be surely fun with her around.