"Ja, magbibihis lang ako. Yung room mo sa kabila, maayos na yun. So, kakatukin nalang kita ha?"
"Sige, Dylan. Uuwi lang tayo mamaya ha? I can't stay over night. You know, work."
"Of course, Ja."
Pumasok na kami sa kanya kanya naming room.
Hindi ko naman first time dito sa rest house nila pero kasi never pa ako nakapasok dito sa loob. Once lang nang makapunta ako dito pero hanggang labas lang. May idinaan lang kami dito tapos umalis kami agad.
This rest house is half-timbered. Ang simple nya tingnan from the outside kasi yung kahoy ang obvious pero sa loob, concrete sya. Mataas ang ceilings, maluwag sa loob. Sa sobrang spacious nya, mas gugustuhin mo ng huminga dito forever kesa bumalik sa Manila.
Napahiga agad ako sa kama. Grabe kasi ang layo ng travel.
*rinnnggg*
"Althea!!!"
"Wag ka ngang sumigaw!"
"Hehehe sorry... uy diba, beach yan dyan?"
"Oo. Bakit?"
"Eh hindi mo naman alam na dyan pala kayo pupunta diba? May dala ka bang swimsuit?"
Hala paktay...
"Ngayon ko lang narealize na wala pala."
"Don't worry bestie. Dumaan ako sa isang shop and binilhan narin kita. Yeeeee.... ang sweet ko noh? You're welcome ha! hahaha... bayaran moko mamaya. Sige na bye!"
Ay ganun... so may silbi pala talaga ang paghabol nya dito. Nice B... Very nice.
May naalala ako. Naku patay ako nito sa Ane ko.
To Manager Kahn:
Good morning po. Kindly email the files before 3PM. I can't go there.
Sent.
1 Message Received
From Manager Kahn:
I already sent you the files, Miss Althea. Pakicheck nalang po.
Good. So I hurriedly checked my Gmail. Tama... Nandito na nga. Inaral ko muna sandali. Ayos naman, kumpleto. Kaya I forwarded it to my sister na. Mission accomplished.
After a while, my phone rings again.
*rrriinnggg* (curious ba kayo ano ang ringtone ko? sa next chapter ko nalang ishi-share)
Ane Sam calling...
"Ane, I just emailed you the files. May Dropbox ka naman right?"
"Yes baby. Thank you talaga. Anyway, it's Sunday today. What are you doing?"
"Ay... I'm here sa Zambales. Sa rest house ng family ni Dylan. Chill lang kami Ane."
"Just the two of you?"
"Nope. Barbie's with us, too."
"Ah okay. I thought kayong dalawa lang. I'm not yet ready to be a Tita and please Althea, kasal muna bago baby."
I can hear my Ane laughing now. Seriously?
"Ane naman... hindi yan mangyayari noh. Dylan and I is not an item. Never will be. Oh my God... what are you saying ba. Bye na nga. Basta pasalubong ko ha."
Tumatawa parin ang kapatid ko. Hay naku naku naku naman! In-end ko na yung call.
*knock knock*
I opened it. Si Dylan.
"Tara?"
Nagbihis ang señorito. Naka-khaki shorts, plain white shirt at may nakasukbit na DSLR. Simple. Simply handsome ng bestfriend ko no matter how plain he's wearing. Buti nalang hindi nakapanligo. Baka mataranta ako.. chos.
"Tara."
Dinala ako ni Dylan sa mango plantation nila. May kinausap syang tauhan nila at nakita kong kumuha sya ng mangoes. Green mangoes. Tinitingnan ko palang, naglalaway nako.
"Uhm, Dylan." Kinalabit ko sya. "Pde bang tayo nalang yung pumitas? Sige na..."
"Sigurado ka?"
"Yes."
"Sige. Mauna ka na." He calls out the boy's name. "James, James! Halika muna. Turoan mo si Ma'am Althea mo panu pitasin ang mga yan."
Sumunod naman yung si James. Tinuruan nya ako. May ibinigay syang panungkit na may patalim sa dulo and net. Tapos sinabihan din nya ako na aakyatin din naman yung ibang puno. First time to! Si Dylan naman ngingiti ngiti lang. Tsk... walang planong manguha ng mangga. As if magshishare ako ng makukuha ko. Bahala sya sa buhay nya.
.
.
.
.
.
.
.Nakakangalay naman to. Magsisilakihan ang mga braso ko nito eh. Ang sakit pa sa leeg kakatingala.
"Ma'am, ok na po yan. Medyo madami na. Akyat naman po tayo."
I gulped.
Kakayanin ko kayang akyatin yan?
Medyo nag-alinlangan na ako."Hindi kaya, babe?"
Lumapit na si Dylan samen.
Tsaka... ano ba naman. Yung babe chuchu na naman."Ha? Ah eh... parang hindi."
"Kaya yan. Tara, tayong dalawa ang umakyat."
Kahit na nag-aalinlangan talaga ako, umakyat narin ako. Di naman siguro ako papabayan nitong mahulog. Aba, mahirap kayang mahulog na walang sasalo. Masakit yun.
Yung pag-akyat parin ba ng punong mangga ang topic dito Althea?
"Shocks Dylan! Baka mahulog ako!"
"Relax ka lang. Kapit ka lang saken. Tsaka follow my lead."
Sumunod lang ako. Waaahhhh... ang saya naman dito sa taas! Ka-face to face ko ang mga mangga!
"Enjoying?"
"Yes yes!"
Natapos namin ang aming mango picking with a bang. Grabe ang dami naming nakuha. Pumunta kami dun sa may cottage ng plantation and may nakahanda na palang bagoong doon and peeler.
"Hoy lovebirds!" Nakarating na pala si Barbie hehe. "Ang saya nyo naman dyan."
"Come, B. Look oh, maraming mangoes. Kami kumuha ni Dylan nyan!" I said it with pride. Buwis-buhay kaya yun.
"After this, bumalik na tayo sa house ha and get ready to swim. Dun nalang din tayo maglunch sa beach. Nagpahanda na ako."
"Naks, Dylan! Kung di lang talaga... naku.. kung di ka lang inlove sa iba, aakalin ko talagang may gusto ka dito kay Althea eh. Todo paandar mo eh. 3 million pogi points na."
Ano na naman tong pinagsasasabi ni B! Naloloka ako how vocal she is about that in front of Dylan. Kaya sinaway ko sya.
"Wag ka nga B! Ikaw lang talaga ang malisyoso noh."
Dylan chuckled.