Barbie's POV
"Althea.... gising ka na." I'm almost shaking her na. Ang hirap naman nya gisingin. Kelangan ko sya today eh.
She mumbled and nagtalukbong ng comforter.
"Gaddddddd! Althea! Please wake up! This is work!"
"Ano ba yan B.... Off ko today eh..."
"Alam ko pero I need you today. Hoy! Dumilat ka nga muna!"
"Tsk. Ano ba ang problema? Si Trina ang partner mo ngayon ah."
"Wala sya. Di sya sumasagot sa mga tawag ko. Nagpapanic nako oh. Ano'ng oras na. Nakakahiya sa clients naten."
"What?" Napabalikwas sya. Naalala na nya siguro kung sino ang clients na sinasabi ko.
"Bakit naman ganyan si Trina. Walang pasabi. I'll go with you. Sandali lang."
"Thanks naman. Sige, hintayin nalang kita sa sala."
Kahit naman ganun na may galit o tampo yun kay Iya, professional naman ang kaibigan ko. Hiwalay ang personal na bagay sa work. Kahit na ako eh, naiinis naman ako kay Iya pero malay ba natin diba, baka kasama nila si Dane. Ultimate crush ko na talaga sya. Kaya kong i-break lahat ng boyfriends ko and magpakatino na for him. Lol. Di naman pala ako nagpapakaprofessional kasi may hidden agenda ako. Pagbigyan nyo na ako guys.
Anyway, tumawag na kaya si Dylan sa kaibigan ko? Ano na kaya ang nangyari dun. I tried to call him pero cannot be reached naman ang number nya. I must admit, I'm worried. I hope maka-recover din sya agad. Masyadong maganda ang mundo at maikli lang ang buhay para magpaka-emo pa tayo. Kasalanan talaga to ni Iya lahat eh. Hay... kung di lang talaga- Hay naku ewan.
/
/
/
Boutique
"This is sheer magic! It's so beautiful! Can I try this on now?"
Iya is mesmerized by a gown which toed the line between sophisticated and sexy. It gives an optical illusion like bodice netting (to look like skin) and overlays perfect for showing a peek of leg. I know na babagay sa kanya.
Si Althea naman, nandun kay Andrew sa kabilang division ng boutique na to. Althea's taste in grooms' suits is the best. I know Andrew will be grateful to my friends for assisting him. She really believes that the grooms must put as much time, effort and money into finding their outfits as the Brides do. Hindi yung iaasa nalang sa kung ano ang gusto ng girl o nang kung sino lang.